Tapos na ang sandaling oras na magkasama kami sa isang lamesa na punong puno ng kulitan at tawanan, pero hindi pa din tapos ang isip ko na sana maging parte sya ng buhay ko o mas maganda kung maging kasama sa buong buhay ko.
"ahm!! pano guys mauuna na kami aa. meron pa kasi kaming aasikasuhin na project at papers ee" sabi nung isa nyang kaibigan.
"mamaya na. medyo may oras pa naman ee.. maglibot muna tayo dito tas kwentuhan" sabi nung isang kong kaibigan.
"di talaga pwede ee... pagmagkita kita na lang siguro tayo, i think di na kami nun busy sa mga papers work at project"
"ano kaba?! okay lang samin. sure! anytime." singit ko habang nakangiti.
"sige! thank you aa!" sabi nung isa nyang kasama.
---
sa buong oras na magkakasama kami sa isang lamesa di ko man lang nalaman ang pangalan nya at kung saan sya nakatira! badtrip diba? para kang kumaen ng di ka nabusog, at bumili ng gamit na di mo naman kelangan.
"mga tsong! nalaman nyo ba pangalan nya?" tanong ko habang tinatanaw sya habang naglalakad.
"uo tol! nalaman namin pangalan nya! puro ka kasi titig lang ang ginawa mo e ni di ka man lang nagsalita" sabi nung Marino kong kaibigan.
ay!? putcha!! nahalata pala nila na ganon lang ang ginawa ko buong oras na yon? boset naman yun! daig ko pa nadulas sa daan sa harap ng maraming tao! badtrip naman!
"ano pangalan nya?" tanong ko.
"sikretoooooo!!! " sigaw nila habang tumatawa!
---
pauwe na kami pero hanggang ngayon iniisip ko pa din kung ano bang pangalan nya at saan sya nakatira at kung paano ko malalaman ang lahat sakanya. madaming plano ang pumapasok sa isip ko kung paano ko yun gagawin. pero pumapasok din sa isip ko na wag gawin. ang gulo. baka di ako neto makatulog mamaya kakaisip sa taong yun.