Bitawan mo na ako. masyado mo na akong pinapahirapan. ikaw nlng ang masaya sa
relasyon natin hindi mo ba yun napapansin??
yan ang sinabi nya sakin nung mga panahong hindi na kami nagkakaintindahan
napahinto ako sa sinabi nya masyadong masakit para sakin yung sinabi nya
na ako lang ang masaya sa relasyon namin.
naglakad ako papalayo saknya habang nakayuko at sabay tumulo ang luha ko
ng hindi ko namamalayan.
masakit pala sabihan ka ng ganon. kahit alam mo sa sarili mo na para naman
sainyong dalawa ang ginagawa mo. at hindi lang para sayo.
ilang linggo na ang nakalipas simula ng sinabi nya yun sakin.
fresh pa din sa isip ko kung ano ang itsura nya habang sinabi nya sakin.
malinaw pa sa alala ko habang nakatitig ako sa mata nya habang sinasabi nya
ang salitang dumurog sa puso ko.
Sige. papakawalan na kita. yun naman ang gusto mo db? para hindi kana mahirapan.
pero hindi mo ba naisip na sa minsan nating pagtatagpo nabago mo lahat ng naksanayan
ko. isa lang ang hihilingin ko sayo. na sana wag mong kalimutan na may nakilala
kang katulad ko na nagmukha ng tanga para lang mapasaya ka at mapangiti ka.
na hindi kumaen para lang mabili yung bagay na gusto mo sa tuwing monthsary natin.
na nagpupuyat para lang magawa yung school papers na pinapgawa ng titser mo.
sana lang wag mo akong makalimutan.kahit dun magiging masaya na ako.
dun ko tinapos ang lahat samin. khit hindi sya sumagot sa text ko.
makakaalis din ako kung san mo ako iniwan na parang isang istatwa na hindi
makalagaw dahil sa ginamit mong salitang pang mahika..
kaya ko naman magmahal e. bsta ikaw.
kaya ko naman maging tanga bsta para sayo.
kaya ko naman magpaka gago bsta ikasisiya mo.
kaya ko lahat yun. bsta sabihn mo lang sakin na mahal mo pa ako.
tangina naman. bat ganon. ilang buwan na ang nakakalipas hindi kapa rin mawala
sa isip ko. ilan buwan na akong humingi sayo na pakawalan mo na ako at iwanan na
at hayaan sa gsto kong mangyari sa buhay ko. ako naman ang may gsto nito pero bat ako
ang nasasaktan at nahihirapan?? :(
para makalimot ng mabilis. lumabas ako ng bhay at nagikot ikot sa mall
hindi ko akalain na makikita kita kung saan tayo dati unang nag date.
huminto ako. dahil nakatitig ka sakin. suot mo din ang damit na binili ko sayo
nung 2nd monthsary natin.
hindi na ako nagdalawang isip na lumapit at kausapin ka.
eto na siguro yung time para masabi ko sayo lahat lahat.
"maari ba kitang makausap. sandali lang to. hindi naman eto magtatagal. may gsto lang
sana ako sabihin sayong importante na kinimkim ko ng matagal".
hihiling lang sana ako ng isa pang pagkakataon.
una sa lahat.
sorry sa mga nagawa ko.
sorry kung nasaktan kita.
sorry kung masyado akong nag demand sating dalwa.
sorry kasi pinipilit ko lang maging masaya ako pag kasama kita kahit hindi naman.
sorry kung napapahiya kita minsan sa harap ng mga kaibigan ko.
sorry talga. sorry.
yan ang gusto kong sabihin sayo kaso hanggang sa imagination na lang ata yan mangyayari, hindi kana kasi pumasok bigla ni di ka man lang nagpaalam na di kana papasok. ilang linggo palang yung nakakaraan. ano naba balita sayo? ano naba ang nangyari sayo? sana kahit papano alam ko din kung ano mga nangyayari sayo baka meron akong maitulong kahit papano.