Nung kinalabit ko sya mula sa likod. nagulat ako. parang nahulog ako bigla.
"tol! ano bang nangyayare sayo ? tapos na kami maglaro! kaen na tayo!" sabi nung isa kong kaibigan pagkatapos nya ako kalabitin mula sa likod ko.
akala ko pa naman totoo na yung nangyayari. ang totoo lang pala yung nakatayo lang ako at nanonuod sa mga naglalaro. akala ko pa naman ako na talaga yung kumalabit sa likod nung isang babae. ako pala ang nagulat sa kalabit nung kaibigan ko.
"tara! kaen na tayo! dami ko na din gutom e." sabi ko naman bigla habang nagiisip kung ano ba mga nangyayari.
mula sa paglalakad namin pa puntang food court. may natanong ako bigla sakanila na di nila inaakala na masasabi at matatanong ko.
"tol! bakit pa tayo umaasa?" nasabi ko ng hindi nakatingin sakanila.
"huh?! ano yun pre?!" sabay-sabay na reaksyon ng mga kaibigan ko.
"huh?! anong huh?!" bigla kong tanong sakanila. na parang ako pa yung nagulat sa nasabi ko.
"alam mo tol! masyado ka nang madaming iniisip. masyado ka nang naguguluhan sa mga naiimagine mo!" sabi nung isa kong kaibigan. na seryoso ding nakatingin ang iba saakin.
"hayaan nyo na ako mga tol! yakang-yaka ko to! pag ako yumaman sa pagiimagine ko. kasama kayo dun!" sagot ko sa seryosong mga tingin nila.
malapit na din kami sa foodcourt. ilang minuto din kami nagpalitan ng mga tanong. at kwentuhan habang naglalakad kami. di ko napansin tulala na pala ako. iba na to. di na to masyadong maganda. nagiging maganda lang naman to sa mga taong nakakaintindi sa mga imagination ko e. pero syempre gusto ko din maging totoo lahat ng mga iniisip ko. naniniwala ako na magiging totoo ang lahat.
---
sa tapat na kami ng kfc. habang nakapila kami at naguusap kung ano ba ang kakainin. may napansin nanaman akong likod na parang familiar saakin. inisip ko. baka imagination ko nanaman yang likod na yan. baka loko nanaman to ng isip kong mapaglaro sa mga bagay na di naman talaga nangyayari sa totoong buhay.
naglakas ako ng loob. nilapitan ko sya. nag face palm muna ako baka kasi tulala lang ako. kaya ginising ko muna sarili ko. totoo nga. di nga sya imagination.
nung nilapitan ko na sya. di ko ineexpect na sya ulit ang makikita ko to. kinakabahan ako ng di ko mapaliwanag kung anong klaseng kaba to. kung pano ko ba sisimulan para makausap ko naman sya. at nakakahiya pa dun. meron syang mga kasamang mga babaeng kaibigan nya.
"Hi!" habang nakangiti at sinamahan ko pa ng pa cute na mga mata ko.
"hello!" sabay ngiti at higop sa iniinom nyang softdrinks.
lumabas ang dimple nyang maliliit sa pagitan ng dalawa nyang pisngi. muntik na akong matunaw sa ngiting yun a. buti na lang matigas ang mukha ko.
"ahm! pwede ko malaman ang pangalan mo?" lakasang loob na tanong ko sakanya. habang nakatitig ako sa mga mata nyang bilugin at singkit. di ko na kakayanin makipagtitigan pa ng matagal sakanya kapag ganyan ang pinapakita nya. ang dami ko ng kilig. lagpas na sakin. pero syempre di ko un pinapahalata. ganyang kaming mga lalake.
"ahm!! sige. okay lang kahit di mo sabihin. sya nga pala. may mga kasama akong mga kaibigan ko. baka pwedeng maki join sa table nyo para naman meron tayong new set of friends. kung okay lang sayo Miss?" pangalawang tanong ko sakanya ng pangalan. double meaning para di naman obvious yung pagtanong ko ng paulit ulit sa name nya.
"saakin okay lang. ewan ko lang sa mga kasama ko!" sabay ngiti ulit.
"ano kaba te! okay lang samin. sure. join us!" sabay-sabay nilang pag sagot sa tanong ko. habang tumatawa at may kasama pang mga hampasan.
"yun! akala ko hindi kayo papayag. by the way. sabihan ko lang mga friends ko aa. babalik ako" natatarantang salita na nasabi ko. pero syempre di mawawala ang pacute na ngiti at mga mata.
"okay!" sagot naman nya sabay ngiti.
---
eto na ang totoo. nakausap ko sya kahit konting minuto lang. nakita ko pa mga dimple nyang maliliit at ang magandang mata nyang ngumiti. napapa suntok ako sa saya aa. first time ko kasing kumapal ang mukha sa mga ganyan ee. di ko kasi nakasanayang maging presko.
"tol! may table na tayo. dun tayo sa nakausap kong mga babae" tuwang-tuwa kong sinabi sakanila.
"wao! ayos yan tol! ang lupet mo a?!! san mo natutunan yan?! hahaha" halakhak naman ng isa kong kaibigan na excited pa kesa sakin. at ang iba naman may pahampas-hampas pa sa balikat ko.
naglakad na kami papunta sa table nila. sakto talaga samin ang upuan. magkakatabi kaming magbabarkada. at magkakatabi din sila. partner-partner lang ang itsura. katapat ko sya. katapat nya. kulang na nga lang tapatin ko na din sya ee. pero wag. masyadong mabilis.
"ano pala mga course nyo ate?!" tanong nung isa kong kaibigan na Nursing.
"Pharmacy kuya" sagot naman nung isa nyang kaibigan.
"aa! diba matatalino ang mga pharma tas masisipag pa magsipag aral. at higit sa lahat magaganda pa" bola nung isa kong Marinong kaibigan.
nakatitig lang ako sakanya habang busy ang ibang mga kaibigan namin sa kwentuhan at bolahan nila. sana meron akong pagkakataon na magkwentuhan kaming dalawa. yung tipong dalawa lang kami para masabi ko mga kwento ng buhay ko. at para din makilala ko pa sya ng husto. kahit di ko pa alam ang pangalan nya.