Hallway V

22 1 0
                                    

"Anak Gising na! magpapaenroll kapa!!" biglang may sumigaw galing sa baba. uo nga pala. magpapaenroll pa ako nawala sa isip ko. bat di ko kaya narinig tong alarm ko? tinopak nanaman siguro to. tsk

bumangon na ako at nag unat-unat para magising na ako at makapag ayos. alas otso palang ng umaga. madami na kayang tao sa school? andun na din kaya yung mga kaibigan kong matitino pag dating sa kalokohan at sa pangaasar ? excited din ako kahit konti. kasi meron nanaman akong baon at meron nanaman ako makikitang mga chikas.

--

kelangan ko magpa gwapo para pagtinginan ako ng mga babae. alam mo na. isa yan sa gusto ng mga lalake. ang pagkaguluhan sila ng mga babae. nakakataas kasi ng confidence pag merong taong nagkaka gusto sayo.

---

"Ma! aalis na ako a. baka gabihin ako ng uwi" sigaw ko bago ako umalis ng bahay. ang bango ng pabango ko. bagong bili ko pa naman to sa bench. angas din ng pantalon at sapatos. ternong-terno sa polo kong bumagay sakin.

napaisip ako pag sakay ko ng jip. bat ba kelangan natin ng mga magagarang damit kung di naman basehan ang kamahalan ng damit ? bat kelangan natin ng mga bagay na high tech kung di naman nagagamit sa magandang pamamaraan? siguro kaya ko naiisip tong mga to. kasi wala akong ganyan. kaya sila ang pinagiintirisan ko.

"Manong! bayad po o!" sabi nung babaeng katabi ko.

cute sya a?! bilugin yung mukha nya. maputi, chinita, cute ng mga daliri at bagay sakanya yung buhok nyang simple lang at mahaba. sakto din ang bangs sa mata nya. at ang ganda ng mga labi nya.

biglang may ngumiti. nagulat ako! nakatitig pala ako sakanya. paksyet naman o!? napahiya pa ako sa sarili ko at lalo na sakanya. itodo ang volume ng sounds sa tenga. ang ganda pa naman ng kanta sa playlist ko habang nakatitig ako sakanya. "Baby I will wait for......... cause I don't know what else i can do... " napapasabay na nga ako ee.. naiimagine ko na meron kaming music video at sya ang kapareha ko.

"Manong para po!" pareho pala kami ng bababaan. pinauna ko na syang bumaba para naman kunwari gentleman ako. alam mo na. paimpress lang baka kumagat e.

pagbaba ko ng jip nakita ko na yung mga mababaet kong kaibigan "tol dito!" sabay kaway at senyas na buka lang ng bibig. Teka lang a.  naglalakad na ako papunta sakanila. tas bulong ng isa kong kaibigan "tol! sino yung kasabay mo kanina? ang ganda aa?! GF mo ba yun?" sabay akbay sakin at suntok sa tiyan.

Ngumiti lang ako. at patuloy na naglakad. naisip ko. sana nga GF ko sya. bagay na bagay kasi sya sa gwapong katulad ko ee. 5"7 ang tangkad, matipuno, mabango, medyo maputi, at higit sa lahat matalino. ang yabang ko lang pag nagsasalita e.

--

sa wakas nakapag enrol na din ako. hayahaya na muna after ng mahabang pila at mainit na siksikan ng mga studyanteng nageenrol. maaga pa naman ee pwede pa ako maglibot libot.

naglalakad kami ng mga barkada ko sa hallway ng biglang may nakabangga saking babae. masakit ang pagkakabangga nya a. nahulog mga gamit nya. di ko na natulungan kasalanan naman nya e dapat nga mag sorry pa sya.

tumambay kami sa isang kwarto. habang nagkkwentuhan, nakataas pa ang mga paa namin sa silya. parang boss lang ang dating. ng biglang natulala ako.

teka?! bat parang nangyari na tong nangyayari ngayon.

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon