1

18K 586 52
                                    

Akala ko tuluyan na nating naisahan ang tadhana. Kasi kahit nakahanap siya ng dahilan para paghiwalayin tayo, muli pa rin tayong pinagtagpo. Napagtanto natin pareho na walang nagbago. Mahal kita at mahal mo pa rin ako.

Pero hindi pala sapat na dahilan na mahal pa rin natin ang isa't-isa. Dahil sa pagkakataong ito, tayo pa rin ang naisahan ng tadhana. Hindi pala lahat ng iniwan ay agarang babalikan. May mga bagay na hindi na muna kailangang ayusin at ipagpilitan.

Muli tayong pinagtagpo para tuluyang malinawan. Para tuluyang palayain ang mabigat na bagaheng naipon mula sa nakaraan. Para pakawalan ang mga tanong naglalaro sa isipan. May halong sakit at panghihinayang man pero natutunan nating tanggapin at intindihin na lamang.

Sa ngayon kailangan muna nating ng oras para maghilom. Marahil ay pinagtagpo lang tayo para magsilbing aral sa isa't-isa. Kailangan nating maranasan lahat ng iyon para mas tumatag at bumuti pa. Hiling ko lang na sana kapag puwede na, may pag-asa pa.

Mensahe Sa Pagitan Ng Mga SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon