8

6.6K 177 18
                                    

Kung darating man ang araw na papasok ulit ako sa relasyon, nawa'y mahalin mo ako sa paraang kaya mo. Mahalin mo ako sa kung paano mo ako nakilala. Mahalin mo 'ko bilang ako– sa kung ano ang nakikita at nararamdaman mo.

Ibig kong maging iba sa kanila. Gawin natin ang mga bagay na hindi niyo nagawa– gaano man kasimple basta masaya. Hindi 'yong sa bawat bagay na ginagawa natin, ang naiisip mo'y iba pa rin.

Ayokong maging pamalit lang sa kanila. Kasi ano pa bang pinagkaiba ko kung itutulad mo rin pala ako sa mga naging ex mo?

Kaya kung may darating pa, sana 'yong handang magmahal sa paraang payak man ngunit hindi nakasanayan. Higit sa lahat, hindi ka hahanapan ng mga bagay at katangian mula sa mga taong minahal niya sa nakaraan.

Mensahe Sa Pagitan Ng Mga SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon