13

4.8K 152 32
                                    

Naniniwala akong mahal at tanggap mo ang sarili mo. Sadyang may mga tao lang talagang mahilig kang ikumpara sa iba. Pilit sinusubok ang iyong pasensiya't kompyansa gamit ang matatalim nilang salita. Binuhay nila ang inggit sa loob mo. Tinanggal nila ang tiwalang mayroon ka sa sarili mo- kaya't naapektuhan din ang sistema mo.

Matagal mo itong dinamdam at paulit-ulit na iniyakan.

Pero hindi ibig sabihin nito'y mahina ka. Alam kong matatag at malakas ka. Balikan mo ang mga dating kabanata na kinaya at pinanalo mong mag-isa. Tandaan mong ikaw ang bida ng sarili mong kuwento. Gawin mong makulay at makabuluhan ito.

Kaya unawaing mabuti ang sarili. Mas pagtuonan pa dapat ng pansin. Laliman ang pag-unawa at patawarin.

Tandaan mong malayo ka na at alam kong mas lalayo pa. May tiwala akong mararating mo ang dulo't maipapanalo.

Mensahe Sa Pagitan Ng Mga SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon