6

13.7K 336 59
                                    

Alam kong hindi naging madali ang pagsuko at pagbitaw. Sa tagal mong lumaban na kasama siya. Siya na naging pahinga mo sa tuwing pagod ka at binabagabag ng problema. Kasama mo siya sa bawat kabiguan at tagumpay.

Minulat ka niya sa ideyang masarap mahalin at magmahal. Kaya hindi mo kasalanan kung dumating man ang puntong naging sigurado ka sa kanya.

Kasi akala mo siya na 'yong taong huli at tama. Naniwala kang karapat-dapat kayo sa isa't-isa– pero hindi iyon ang ibig ng tadhana.

Dahil kahit gaano ka pa kasigurado sa kanya, kung hindi kayo ang nakatadhana, wala ring kuwenta. Mararating niyo ang dulo na taliwas sa naging pangako niyo. Kailangan niyong magpatuloy sa buhay na magkahiwalay.

At kahit ilang beses mong ilaban at piliin siya, paulit-ulit na ipararanas ng mundo sa'yo ang masaktan sa piling niya hanggang sa tuluyan ka nang mapagod, sumuko at bumitaw na.

Kaya wag mong ipilit kung tutol ang tadhana.

Mensahe Sa Pagitan Ng Mga SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon