Kung sakaling bumalik ang gabi na malungkot ka, nais ko sana'y ilabas mong muli lahat. Ibig kong idaan mo sa pag-iyak, hindi sa pag inom ng alak. Walang lunas sa agarang paglimot. Kailangan mong pagdaanan lahat.
Alam kong hindi madaling maghilom. Napagod ka na sa napakaraming pagkakataon. Gusto mo nang sukuan ang sarili. Uhaw na uhaw kang maghilom pero pilit kang tinatangay ng mga alaala ng kahapon.
Kaya hayaan mong bumagsak ang mga luhang ilang araw nang naipon. Tahimik man o hindi ang bawat mong paghikbi, ang mahalaga ay alam mong ikaw ay nagdadalamhati. Sa ganoong paraan mapawi man lang ang sakit kahit konti.
Hindi masamang malungkot at umiyak. Magpakatotoo ka sa nararamdaman mo't wag magpanggap. Dahil sa tuwing pinipilit mong ngumiti at sinasabing "okay lang ako", inaabandona mo ang nararamdaman mo at tunay mong pagkatao.
BINABASA MO ANG
Mensahe Sa Pagitan Ng Mga Salita
PoesiaBasahin niyo lang 'to kung mahilig kayo sa tula. Rank #2 in Mga Tula (08-29-2024)