"Pipiliin kong intindihin ka sa panahong hindi ka maintindihan ng lahat"
Sa dami ng mga salitang sinabi mo, iyan ang paborito ko. Sinabi mo 'yan noong mga panahong lugmok na lugmok ako. Ang mga salitang iyon ang naging lakas ko para bumangon. Ikaw ang nagsilbing tanglaw sa mapanglaw kong gabi at araw.
Akala ko tuloy-tuloy na. Akala ko pipiliin mo akong intindihin sa bawat araw. Ngunit nagkamali ako. Nakalimutan kong natatangay ka rin ng sarili mong emosyon. Sinubukan kong magpaliwanag pero nagmistula kang bingi.
Pinili kitang intindihin kahit magulo na ang sitwasyon. Pero mas nadurog ang puso ko noong tinanggalan mo ng halaga ang mga salita mo dati– tinapatan mo ito ng mga katagang....
"Pagod na akong intindihin ka. Tama na. Ayoko na!"
Masakit pa ring isipin na mas pinili mo kong iwan sa halip na intindihin, mahal.
BINABASA MO ANG
Mensahe Sa Pagitan Ng Mga Salita
PoetryBasahin niyo lang 'to kung mahilig kayo sa tula. Rank #2 in Mga Tula (08-29-2024)