Chapter 9

79 7 0
                                    

Note

Masayang natapos ang lunch namin. Nakikisali pa sila Manong Aldo at Manang Maria sa asaran namin ni Mario. Ang mokong asar talo talaga kahit kailan. What's new?

Nagpatuloy kame sa aming byahe. Siguro mga less than one hour nalang at nasa masyon na kame. Sobrang tagal man ng byahe hindi ko rin ramdam dahil sa mga kwentuhan naming masasaya.

Hanggang sa loog ng sasakyan hindi parin maka move on si Mario sa kinain nyang fireball. Nakakatawa dahil sobrang inosente nya.

"Kain ulit tayo nung fireball ah, ang sarap e,"

"Don't worry next time pupunta tayo sa DAdBod sa may bandang Quezon Province malapit lang naman yun e,",yaya ko

"Huh?ano yung DAdBod",pagtataka nya,"Pagkain ba yun?"

We chuckled.

"That is a Hamburger Restaurant"

"Talaga? Wow I love burgers pa naman"

"Yes I know, if you like tomorrow we can go there tapos akyat tayo sa Kamay ni Hesus", excited kong tugon.

"Di ba yoon yong three hundred steps na hagdanan bago ka makarating sa tuktok?"

"Yes, po Manang",

Kitang-kita ngayon sa muka ng mokong ang pagiging turista sa sariling bayan. Sabagay, totoo naman. Hindi pa siya nakakapasyal dito sa Pilipinas at natuto syang magsalita ng tagalog dahil sa mommy nya dapat daw kasi matutunan nya yun dahil isa naman talaga syang Pilipino.

"What the.... totoo three hundred aakyatin ko?" natulala sya ng saglit "Ngayon palang I can imagine myself crawling just to get there at the top...nakakahiya"

Hinampas ko ang kanyang braso sa sobrang tawa.

"Naku sir baka magbuhat si Ma'am ng wala sa oras kawawa naman po", asar ni Manong Aldo

"Hell ...No! Bahala ka iiwan kita", I smirked

"Oh No!",sabay sapo nya sa kanyang noo

Nagtawanan na naman ang lahat

Everything goes smoothly and happy. After a long travel nakarating din kame sa mansyon. Sinalubong kame ni Tatay Hener ang caretaker ni daddy. He is a seventy years old pero hindi halata sa itsura nya kasi para lang syang fifty. Wala na syang asawa pero may anak syang dalawa. Si Eloisa ang kanyang panganay na anak at si Milo, ang anak nyang lalaki na kasing edad ko lang.

"Ma'am, buti po naman po at andito na kayo. Kumusta po ang byahe?"

"Okay naman po Tatay Hener". Sabay mano." Muka pong lalo kayong gumagwapo ah"

"Kayo tagala ma'am walang pinagbago, pasok na po kayo sa loob at naka handa na po ang iyong mga silid"

"Salamat po!, ay, Tatay Hener si Mario po pala anak po ng bestfriend ni mommy"

"Kumusta po kayo?"sabay mano din.

"Naku napaka gwapo naman nitong bata na ito, kung hindi mo sinabing anak sya ng bestfriend ni Senyora ay aakalain kong boyfriend mo sya", tukso ni Tatay Hener

Ramdam ko ang init mula sa aking batok papuntang sa aking mga pisnge. Si Mario naman ay makahulugang tumititig sa akin. Bakit ba palagi nalang ganito ang impak ng mokong na ito sa akin? Haaaay, dapat masanay na ako e,.

"Bagay po ba kame Tatay Hener?", Tanong ni Mario

"Ay opo sir, bagay na bagay", sabay nakipag-apir kay Mario

Nagpaalam na kame kay Tatay Hener dahil aayusin ko pa ang mga gamit ko na nasa maleta at gusto ko na ding magpahinga. Naiwan naming nag kakasiyahan ang tatlong matatanda sa may kubo. Si Mario nasa kabilang kwarto naman paniguradong busy din yun sa pag a unload ng kanyang mga gamit.

someday...YOU'LL BE MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now