Chapter 14

71 5 0
                                    

Patience

Hanggang ngayon malakas pa rin talaga ang impact sa akin ni Mario..may kilig parin. After nya magreact sa profile photo ko sa totoo lang naghintay pa ako ng minuto kung magmemessage sya pero wala... wala talaga.

Okay lang yan Gel! yan yun palaging excuse ng isipan ko pero deep in my heart I know...I still wants him. Hindi naman nagbago kahit anim na buwan na ang nakalilipas. Never akong nagkwento sa mga kaibigan at lalo naman sa parents ko, kung may isang tao akong mapagkakatiwalaan sa lahat ng mga sekreto ko si Mario lang din yon.

Bakit ba sya lage?

"Nakakainis naman uuwi na tayo sa Manila?", si Moraine

"Balik tayo dito guys ah please..please", si Chescka

"Hay naku Addison get a room" tukso ko

Inirapan lang ako ni Chescka sabay asar din sakanya nila Luis at Thomy.

"Addy oh, pinagtutulungan nila ako"

"You look like a baby without your mommy beside you" dagdag ni Sam

" Wag nyo ngang awayin ang baby ko" si Addison sabay yakap kay Chescka.

Parang bata si Chescka na inilabas ang dila bago yumakap din kay Addy.

"Tssk.. Isip bata", Usal ko

Ganun ba kapag nagkakaboyfriend? nagiging isip bata? Nagiging pabebe? Haaay naku tagala. Pagkauwi namin sa Manila didiretso ako sa Shaw Boulevard kung nasaan ang condo ko. It's been a months since huli akong pumunta doon so, I decided to stay there for two weeks before school started.

Tuwing lalabas ako ng kwarto sa mansyon lage akong napapatingin sa ika-apat na pintuan. Palagi kong naiisip si Mario na lumalabas ng kanyang silid tapos kakatok sa pintuan ko at sabay na kame bababa ng hagdan papuntang kusina. Palaging ganun ang sinaryo ko tuwing papasok ng school sa umaga kaya gusto kong maiba naman ang ambiance ng paligid ko. Siguro naman sa dalawang linggo na 'yon okay na ang lahat.

At ganoon nga ang ginawa ko pagkalabas namin sa departure area. Nagpasundo ako kay Manong Aldo at dumiretso na sa condo. Pinasok lang ni Manong ang mga gamit ko at nagpaalam na din para bumalik sa mansyon. Di ko na dinala si Manang Maria at gusto kong mapag-isa.

"Yes mommy I'm here na po", kausap ko si mommy sa phone habang binubuksan ang mga maleta ko

"Mga two weeks po my, I'm totally fine here don't worry", nilalabas ko na isa-isa ang mga damit

"I love you", napabuntong hininga ako pagkatapos

Tinapos ko munang ligpitin ang mga gamit ko. Lahat ng laman ng maleta ko ay inilagay ko sa walk in closet. Yung mga pang paa naman nasa shoe cabinet na din kaya malinis na tingnan ang aking paligid. Bumalik ako sa kama at humiga. Nakakapagod ang biyahe namin. I closed my eyes at nakatulog na agad.

Kinabukasan nagising akong walang ingay na naririnig. Walang sinag ng araw ang nasa muka dahil hinawi na ni Manang Maria ang kurtina dahil tanghali na. Walang lagatik ng mga plato,kutsara at tinidor. Walang yapak ng mga paa. Buong bahay payapa't tahimik.

I get my phone and take a selfie and post it on Facebook.

-Facebook-

The sun says: Wake up girl, like me!

#Iwokeuplikethis

Wala pang isang minuto ang dami na agad ng like at comment may mga nag share din. Kahit na ganun pa man may isang tao lang din talaga akong hinihintay pero hindi naman siya nakaonline.

Bumangon na ako at inayos ang higaan. Pumunta na sa kusina para makapagluto ng breakfast. I cooked omelet and fried rice with my hot coffee. Hindi pa nakakapunta dito si Mario. Naiimagine ko tuloy na kapag andito na sya sa Pilipinas at kung maisip nyang bumalik para sa akin dito sa condo ko ang magiging tambayan at sikretong lugar naming dalawa.

someday...YOU'LL BE MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now