Chapter 8

79 9 0
                                    

Fireball

Dumaan ang dalawang buwan na hindi na ulit kame nag-away ni Mario. Hindi ko parin sya sinasagot pero balak ko sa Christmas na. Excited but yet kinakabahan ako tuwing naiisip ko yon. I prepared three gifts for him. One, a limited edition shoes. Second, a Piaget watch, and thirdly, is my answer to his proposal.

Mabuti nalang at hindi naman nagsasawa sa akin ang mokong na yun. Palagi ko mang inaasar malambing parin. "Oo nalang ang kulang". Malimit kong naririnig sa mga kagrupo ko. Kapag dumating na ang araw na iyon I want to make that moment a perfect one.

Ilang beses ko naring pinag-isipan ang mga sasabihin ko sakanya lage akong nagpapractice pero alam ko sa sarili ko kapag andun na ako sa harapan nya ay manginginig at mauutal nalang ako. Sure yon!. Everyday feeling ko mas lalong gumagwapo yung lalaki na yon kaya, mas lalo akong naiinis kasi mas dumadami ang nagkakagusto sakanya.

Ms. Jealous narin ako! Kaya tuwang-tuwa ang mokong. Kaya minsan feeling ko sinasadya na nya, kasi tuwing magkasama kame walang segundo na walang nagpapapansin sakanyang babae. So, syempre ako pinagseselos ko din. Mas malala ang ganti ko pero di ko naman sinasadya na lageng may mga pagkaing pinapahatid sa table namin tuwing breaktime at palaging sinasabi na para daw iyon sa akin. Ang mokong naman palaging tinatanong kung sinong nagpadala. Kapag nalalaman nya pinapabalik nya iyon at tinatakot. Kaya sobrang nababadtrip sya.

Sweet Revenge diba? hahaha

We are on our way going to Lucena City maybe more than three hours ang travel time namin from Makati. We will spent our semestral break there. Manang Maria and Manong Aldo is with us. Naiwan si Manang Belen dahil walang kasamang mayordoma ang ibang mga katulong.

May ancestral mansion kame doon kaya walang prolema. It was preserved by my grandma for several generations. When she died and I was only six ay ipinamana nya ito kay daddy at dahil palagi naman siyang busy he hired a caretaker para hindi mapabayaan ang mansyon.

Mario is whispering. "Mahal, sleep ka muna at medyo matagal tagal pa naman ang biyahe".

Takte te kinikilig ako!

I whispered too, "S-sige pero I need music para makatulog ako".

He nodded and smile!

"Manong, pwede pong pakisaksak ng ipod ko sa speaker para po makatulog si Mah...."

Hinampas ko ang mokong at mahuhuli pa kameng mahal ang tawag nya. He chuckled so hard. Pero ako naman tinakpan ko nalang ang muka ko ng unan dahil sa kahihiyan. Muntikan pa kameng mabisto. Sira ulo.

"A-ano po yun sir?"

Tinitigan ko na ng masama."pakisaksak ng ipod ko sa speaker para po makatulog si Angel"

"Sige po sir"

Music Play

"You and me, we got along just fine

But deep inside I know there is more

Right next to you

I know you're the right one

Can't fight this feeling, I'm taking chances now

In my heart, I feel that this is something real

I don't wanna let this moment go"

I lean my head to his shoulder habang yakap-yakap ko ang small pillow na nandito sa kotse. We used our ford Everest titanium 2.2l 4x2 AT para maluwag at komportable ang bawat isa.

someday...YOU'LL BE MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now