Chapter 11

67 6 0
                                    

Over

Nakaidlip yata ako and I don't know how long I stayed there. Basta pag dating ng alas singko umalis na rin ako doon. Pumunta na ako sa sariling kwarto at naligo. Para naman pagbaba ko para sa meryenda ay hindi namamaga ang mga mata kakaiyak. I heared some laughing around pero hindi ko nalang pinansin baka kasi yung mga kaibigan ni Tatay Hener lang naman ang mga iyon at nagkakatuwaan lamang sa may bandang kubo.

Kapag ganitong hindi masaya ang araw ko I preferred chocolate cookies and cold chocolate drinks. Kahit anong may chocolate. Minsan lang naman maging sweet tooth. I felt satisfied after that chocolate meryenda. Niligpit ko ang mga kinainan at inilagay sa sink.

Hindi parin mapakali sa mga tawang naririnig ko. Feeling ko habang tumatagal lalong naglalakasan ang mga iyon. I looked around. Wala pa naman sila Manong Aldo ah. Wala din yung sasakyan sa garahe. This time hindi na talaga ako mapakali.

Pinuntahan ko na ang kubo para makatiyak kung sino nga ang mga iyon. If mga kaibigan lang iyon ni Tatay Hener okay lang naman walang problema. From afar I saw Tatay Hener's back at kaharap nya ang o mga kausap,hindi ako sigurado kung ilan dahil sa malayo-layo pa ang kubuhan mula sa aking kinatatayuan.

I was smiling while going there, gusto ko rin namang makilala kung sino man ang mga iyon.

"Oh, gising ka na pala Ma'am", Si Tatay Hener

F*ck si Mario pala ang kausap ni Tatay. His eyes are so cold.

"A-Akala ko kasama ka nila Manong sa Lucban?"

"Hindi na ako sumama kasi sabi ni Manang may sakit ka daw? Kaya nagpaiwan ako"

"Ah ganun ba? K-kanina ka pa dito sa baba?"

Bakit ganun parang galit sya na walang gana kausap?

" Y-yes", sabay iwas ng tingin

Takte! hindi kaya umakyat sya kanina sa kwarto nya at nakita nya akong nakahiga sa kama? It's just a nap pano kong hindi malalaman iyon? Maybe nalaman nya ding binuksan ko ang account nya sa facebook? Oh no girl! Pakialamera ka kasi.Hindi ko pa naman nakukumpirma pero kailangan ko naring mag-ingat... Mag-ingat sa bawat sasabihin at ikikilos ko kapag nandyan siya.

"S-sige po dito muna ako"

Nagpaalam muna ako sa dalawa kasi hindi ko kaya... hindi ko kayang makihalobilo sakanila habang ramdam na ramdam ko ang tensyon sa aming dalawa ni Mario. I hate this sh*t. Balak kong pumunta muna sa may garden. Maganda doon, maraming iba't ibang uri ng mga bulaklak. All colors of roses, yellow bell, orchids, and more. Nahihiya akong makisama sakanila lalo na kay Mario.

"Pakialamera....pakialamera", I cursed myself.

Hindi ako mapakali. I need to talk to him. Magsosorry lang ako. Kung magalit man sya ayos lang kasalanan ko naman e,...Nilalaro laro ko ang mga bulaklak sa paligid. Buti pa sila may kulay samantalang ang love life ko wala...walang kakulay-kulay.

" What are you doing in here"

Nagulat ako sa lakas ng boses ni Mario. "Haaaay jusko Lord! nakakagulat ka naman Mario"

"What did you do in my room?"

Sabi na ba.

"A-aaah w-wala nman akala ko kasi wala ka,wala akong magawa kaya...."

"Kaya pumasok ka sa kwarto ko?" Dugtong nya

I have a feeling that this is going to be a war. Damn it!

"Ginalaw mo ba ang laptop ko?"

Hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako o magsasabi ng totoo. Bahala na.

someday...YOU'LL BE MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now