Paalam Danny

15 1 0
                                    

A/N: I dedicate this short story to my classmate Maxine. Sorry kung di mo magustuhan. Sadyang ganyan ang takbo ng utak ko sa ngayon 😂 Lab you Maxine 😘




"Maxine wait!" Sigaw ni Danny sa'kin. Imbes na lingunin siya ay patuloy lang ako sa pagtakbo sa ilalim ng ulan.



Hindi ko alam kung bakit kahit na alam kong hindi niya ko mahal ay nasasaktan pa rin ako. Mas masakit pa rin pala talaga marinig mula sa mga bibig niya ang mga salitang isang taon kong kinatakutan.




Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa tulay kung saan kami unang nagkita. Magpapakamatay sana ako nun kaya lang ay pinigilan niya ko. Simula nung araw na yon ginawa ko na siyang dahilan kung bakit ginusto ko pang mabuhay.


Nung araw kasi na iyon ay namatay ang mga magulang ko. Wala naman aking ibang kamag-anak dahil nasa malayo at nag-iisang anak lang nila ako. Tatapusin ko na sana ang buhay ko dahil wala na akong pamilya. Mag-isa nalang ako.


Umuulan din nung una kaming magkita at umiiyak din ako kagaya ngayon. Ang kaibahan nga lang ay hindi ang mga magulang ko ang dahilan kung bakit umiiyak ako ngayon. Ang taong naging dahilan konupang patuloy na mabuhay ang ang mismong dahilan kung bakit gusto ko ng mamatay ngayon.


Noong una pa lang ay tinatak ko na sa sarili kong hindi ako magmamahal pero dumating siya. Dumating siya nung mga panahong kailangan na kailangan ko ng taong makakasama at makakaramay. Napaupo ako sa tulay at humagulhol.


"Aaaahhhhhh!!!! Ayoko na!!!!" Sigaw ko. Tumingin ako sa madilim na alapaap. Tumayo ako at sinampa ang isa kong paa sa tulay pagkatapos ay sinunod ko ang isa. Buo na ang pasya ko. Tatapusin ko na ang paghihirap ko ngayon.

Habang dinadama ko ang malamig na hangin na tumatama sa mukha ko kasabay ng ulan ay unti-unting bumalik sa akin ang mga ala-ala ko kasama siya.


Mula sa una naming pagkikita. Sa paghatid sundo niya sa akin. Sa paglalambing niya. Sa mga yakap niyang nagpaparamdam sa akin kung bakit buhay ako. Sa mga halik niyang marahan. Sa mga salita binigkas niya na pinaniwalaan at pinanghawakan ko. Sa mga regalo niya. Mga tula at kanta. Kahit ang pagtugtog niya ng gitara.


Kahit na masakit ay gagawin ko ito upang matapos na ang lahat. Sawa na akong maiwan. Sawa na akong masaktan. Sawa na akong umasa. Sawa na kong magmahal. Sawa na kong mabuhay. Sawa na ako sa lahat. Mamimiss ko siya kahit na hindi niya ako minahal.



Alam kong hindi solusyon ang pagpapakamatay. Pero ito lang ang alam pagpipilian ko. Ang mabuhay na puno ng sakit ang aking puso. O ang mamatay at magpahinga sa lahat ng sakit. At pinili ko ang pangalawa.


Huminga ako ng malalim at pinikit ang aking mga mata. Pilit kong inaalala ang mukha niya sa huling pagkakataon. Ang mapupungay niyang mga mata. Ang kaniyang matangos na ilong. Mapulang mga labi. At mainit na katawan.



"Maxine!" Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko at natagpuan ko si Danny na tumatakbo papalapit sa akin. Ngumiti ako sa kaniya sa huling pagkakataon bago bumitiw sa gilid ng tulay.



Paalam Danny. Salamat sa lahat. Salamat dahil inalagaan mo ako. Salamat dahil nanatili ka sa tabi ko. Salamat dahil pinaramdam mo sa akin sa huling pagkakataon kung gaano kasarap mabuhay. Hinding-hindi kita kakalimutan mahal ko. Hanggang dito nalang tayo. Hanggang dito nalang ako.



Paalam mahal ko. Hanggang sa muli...

NaytNayt's Short StoriesWhere stories live. Discover now