"Nakahanda na ba lahat ng gamit mo?" Nahinto ako sa pageempake nang marinig ko ang boses mo. Napalingon ako sa'yo at nakita kitang nakasandal sa hamba ng pintuan, nakapamulsa at suot-suot ang kulay asul na t-shirt na binili ko noon sa'yo.
"Mike."
"Hi." Agad akong tumakbo sa'yo at niyakap ka. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib mo nang naramdaman kong niyakap mo din ako pabalik.
"I miss you." Sabi ko habang unti-unting tumulo ang mga luha sa pisngi ko.
"I miss you too." Mahinang sabi mo. Mas lalo kitang niyakap dahil ito na ang huling beses na mayayakap kita ng ganito.
Humiwalay ka ng yakap sa'kin at pinunasan ang mga luha ko gamit ang mga kamay mo. Ngumiti ka sa akin at inayos ang magulo kong buhok.
"Aalis ka na nga ang pangit mo pa rin." Sumimangot naman ako at mahina kang pinalo sa kanang braso mo.
"Ang sama nito!" Mas lumuwang naman ang mga ngiti mo kaya agad na nangilid ulit ang mga luha sa mga mata ko.
"O, bakit umiiyak ka na naman?" Nag-aalalang tanong mo. Niyakap kitang muli at humagulhol sa dibdib mo.
"Natatakot ako.."
"Natatakot saan?" Mas humigpit ang yakap ko sa'yo bago ako nagsalita.
"Na baka 'di ko kayanin. Na baka ito na ang huli." Napabuntong hininga ka naman at hinigpitan din ang yakap sa akin.
"'Wag kang mag-isip ng ganyan, Cathy. Babalik ka pa dito. Babalikan mo pa ako. Naiintindihan mo?" Tumango-tango ako at pilit na hinihinto ang paghikbi ko. Humiwalay ako ng yakap sa'yo at pinunasan ang mga luha sa mga pisngi ko. Huminga ako ng malalim at nginitian ka.
"Pwede mo ba ako tulungang ibaba ang mga bagahe ko?" Tumango ka at lumapit sa gilid ng kama ko kung nasaan ang kulay itim kong maleta. Kinuha ko lang ang shoulder bag ko at sabay na tayong bumaba sa sala. Nadatnan nating mahinang nag-uusap sila mama.
"Paano kung hindi kayanin ni Cathy, hon?" Umiiyak na tanong ni mama kay papa. Niyakap naman siya ni papa. "Kakayanin niya, hon. Matapang ang anak natin. Kakayanin niya."
Tumikhim ako para ipaalam ang presensya natin. Napalingon naman sila mama sa gawi natin at agad niyang pinunasan ang mga luha niya bago ngumiti.
"O, anak ready ka na?" Tanong ni mama. Tumango-tango ako at nilapitan siya para yakapin.
"Tara na ma"
Pagkatapos ilagay ang mga bagahe sa likod ng kotse ay nauna ng sumakay sila papa sa sasakyan. Nagpaiwan ako saglit para kausapin ka sa huling pagkakataon.
"Hintayin mo ko ha. Promise susubukan kong makabalik agad. Ito-tour mo po ko sa buong Bulacan."
"Hihintayin kita." Napangiti naman ako at niyakap ka sa huling pagkakataon.
"See you soon, Mike." Sumakay na ako sa kotse pagkatapos. Pinagmasdan kita sa bintana hanggang sa unti-unti ka nang mawala sa paningin ko. Doon na ako tuluyang humagulhol. Dahil alam kong hindi na ako makakabalik pa sa'yo habang buhay. Di mo na ako maito-tour sa buong Bulacan.
"Anak."
"I'm sorry, ma, pa. I'm sorry." Napuno ng iyakan ang kotse hanggang sa makarating kami sa airport.
"Mag-iingat ka do'n, anak ha. Susunod kami agad." Tumango-tango ako sa sinabi ni mama at niyakap siya sa huling pagkakataon gayon din si papa.
Nagsinungaling ako.
Nagsinungaling ako kay Mike. Sinabi ko sa kaniyang magpapagamot ako sa Amerika kahit na ang totoo ay sa Switzerland talaga ang tuloy ko. Kumalat na ang cancer sa buong katawan ko at may taning na ang buhay ko. Nagsinungaling ako nang sinabi kong babalikan ko siya. Nagsinungaling ako sa kaniya nang sinabi kong mabubuhay pa ako.
Pupunta ako sa Switzerland para tapusin na ang lahat ng paghihirap ko habang maaga pa. Habang di ko pa nakakalimutan ang pamilya ko, mga kaibigan, at si Mike. Habang lahat ng ala-ala ko'y tanda ko pa lahat.
May isang ospital doon kung saan madami ang kagaya ko. Mga taong may taning na. Mga taong di na makakasama ang mga mahal nila sa buhay at mararanasan ang kagandahan ng mundo. Doon ay tatapusin nila ang paghihirap namin.
Walang sakit na mararamdaman. Walang pagdadaanang hirap. Basta mamamatay ka nalang na para bang natutulog ko lang.
Pinili ko doon dahil alam kong lubos na mahihirapan ang pamilya ko at mga mahal ko sa buhay kapag nakita nilang akong naghihirap. Kapag naranasan at nakita nila ang epekto ng cancer sa katawan ko. Sa buhay ko.
Mahal ko kayong lahat. Mama, papa. Lalong-lalo ka na Mike.
I'll see you in heaven, bestfriend.
I love you...
A/N: Si Cathy po ay may brain cancer at pinili niyang wakasan ang buhay niya doon sa isang ospital kung saan binibigyan nila ang mga dying patient ng isang gamot na tatapos sa lahat ng paghihirap nila. This short story (malamang) is inspired from the movie Me Before You. Panoorin nyo yun guys promise ang ganda ganda tsaka nakakaiyak. Umiyak nga ko eh hahaha! Anyways thank you sa mga nagbabasa nito at sa isa ko pang story hehe.
-NaytNayt
YOU ARE READING
NaytNayt's Short Stories
РазноеCompilation of short stories with different genres..