“Hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal”
One thousand and ninety five days. Twenty hours, six minutes and fifteen seconds. Ganyan na kita katagal na mahal. Seven hundred and thirty days. Twenty hours, six minutes and thirty seconds. Ganyan na kayo katagal ni Lucy. And girlfriend mo at ang dating bestfriend ko.
Hindi ko alam kung saan at paano nagsimulang tumibok ang puso ko para sa’yo. Basta isang araw nagising nalang ako mahal na kita.
We we’re so close before. So close na akala ko magiging tayo.
But then sabi nga nila don’t get your hopes too high.
Nagbago ang lahat ng makilala mo si Lucy. It’s like our world turned upside down.
And dating closeness natin ay unti-unting nagbago.
From the sweet and caring Joshua naging cold, awkward at distant Joshua ka na.
Alam ko namang madaming nagbago sa pagitan natin, pero hindi ko pinakita sa iyo na ramdam ko ‘yon. I acted like everything was fine. Na ayos lang ang lahat. Na hindi ako nasasaktan. Nagseselos. Naiinggit. At nagtatampo. That I was okay kahit na sa loob loob ko unti unti nang nadudurog ang puso ko sa bawat araw na nilalayuan mo ako.
“Kamusta kayo ni Lucy?” Tanong ko sa’yo nang minsan kang pumunta sa sea side ng moa. Ang tambayan natin.
“Ayos lang.” Tipid mong sabi. Sabay nating pinagmasdan ang paglubog ng araw sa dagat noong araw na iyon. At kasabay nun ay ang pagbuhos ng mga salitang matagal ko nang inaasahang marinig sa’yo.
“I think we should stop seeing each other. Nagseselos kasi si Lucy. She doesn’t want me talking to other girls.” Napangiti ako nang mapait. Sabi ko na nga ba. Dali-dali akong tumayo sa pagkakaupo sa barandilya.
“Okay.” Nag-inat pa ako ng kunwari para itago ang tunay na nararamdaman. “Congrats sa inyo ni Lucy. I’m happy for the both of you. Kailangan ko ng umalis ha. May trabaho pa kasi ako. Babay.” Ngumiti ako sayo nang pilit at agad na tumalikod. Kasabay nang pagtalikod ko ay ang pagpatak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas.
Isang taon na ang lumipas simula nung huli nating pag-uusap. Pero hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sakit. Tila ba kahapon lang nangyari ang lahat.
Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at tumayo para pumasok sa loob ng departure area. Oo, aalis na ako ng bansa. I need to move on. Kailangan ko ng tanggapin na hinding-hindi ako mamahalin ni Joshua gaya ng pagmamahal ko sa kaniya.
“Coraline!” Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa likod ko. Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang makita ko ang taong tumawag sa akin. Tumambad sa akin ang hiningal na Joshua. Tumakbo siya papalapit sa akin at huminto sa harap ko.
“Please don’t go. I love you.”
A/N:
Si Joshua po dito is fictional lang 😅 Hindi po siya si mingming na bestfriend ko 😅 FICTION lang po to ha.
YOU ARE READING
NaytNayt's Short Stories
RandomCompilation of short stories with different genres..