Ang Liham Ni Katalina

11 1 0
                                    

January 13, 2017, 2:50:32 AM

Pinahid ko ang mga luha sa aking mga mata habang nakatanaw sa'yong unti-unting paglaho sa paningin ko.

Hindi ko alam kung bakit naluha pa rin ako gayong nauna mo ng sinabi sa akin na aalis ka at hindi mo tukoy ang petsa ng iyong pagbabalik. Paulit- ulit mong sinabi sa akin na dapat hindi ako lumuha dahil mahihirapan kang lumisan, pero heto ako ngayon, lumuluha at nasasaktan sa iyong pag-alis.

Aaminin kong matagal ko nag hinanda ang sarili ko para sa araw na ito. Araw-araw sinasabi ko sa sarili ko na dapat hindi ako tumangis dahil sa umpisa pa lang ay nilagyan ko na ng linya ang relasyon nating dalawa.

Dahil natatakot ako.

Natatakot akong masaktan ng lubusan at maiwang mag-isa sa huli. Ngunit kahit paulit-ulit kong ipaalala sa sarili ko na hindi dapat kita ibigin ay nabigo ako.

Sa paglipas ng mga araw, linggo, at buwan na nakasama kita ay kusang nahulog ang loob ko sa'yo. Sa una ay itinatanggi ko pa sa sarili kong mahal na kita, pero kalaunan ay nagising nalang ako isang araw na tanggap ko na.

Kaya sa tuwing nakikita kitang may kasamang ibang babae ay nasasaktan at nagseselos ako. Na sa tuwing nakikita kitang may katawanan at kausap na iba ay parang may punyal na tumatarak sa aking puso. 

At hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na pinakilala mo sa akin ang babaeng halos patayin ko na sa isip ko dahil nakuha ka niya sa akin. Lumipas ang mga buwan at hindi din kayo nagtagal dahil sa kagagawan ko.

Nung kayo pa ay iniiwasan kita dahil hindi ko kayang makita ka na masaya sa piling ng iba habang heto ako miserable ng wala ka. Hindi ko kasi matanggap sa sarili ko na kaya mong maging masaya sa piling ng iba. Na kaya mong gawin sa iba ang ginagawa mo sa akin.

Inaamin kong makasarili ako dahil gusto ko nasa akin lang ang buong atensyon at oras mo. Na kahit hindi mo naman ako kaano-ano ay gusto ko ako lang ang unang prayoridad mo.

Hiniwalayan mo siya ng dahil sa akin. Dahil sa pagkamakasarili ko ay pinili mo ako kesa sa kaniya dahil ani mo'y hindi mo kayang mawala ako sa'yo.

Naging maayos ulit ang takbo ng ating relasyon pero nanlamig ulit ako sa'yo ng sabihin mong aalis ka patungong ibang bansa para doon na manirahan. Na iiwan mo ako at hindi mo tukoy kung kailan ang pagbabalik mo.

Tila doon ay nagimbal ang buong mundo ko. Unti-unti ay kinain ako ng lungkot na nagkulong lang ako sa aking kwarto pagkatapos mong sabihin iyon at umiyak.

Dumating din sa punto na sinubukan kong wakasan ang sarili kong buhay sa pamamagitan ng paglalaslas, pero agad kang dumating at sinugod ako sa ospital.

Umiyak ka pa sa akin nun at sinabi mong huwag ko na ulit uulitin ang ginawa ko dahil ayaw mong mawala ako sa'yo.

Pero nasaan ka ngayon? Umalis ka na. Iniwan mo na ako.

Kakayanin ko bang maghintay sa pagbabalik mo? Parang hindi eh. Kasi ang sakit-sakit.

Sinanay mo kasi ako na lagi kang nandiyan sa tabi ko. Nasanay ako sa mga lambing mo, text, tawag, luto, boses, yakap, at pag-aaruga mo.

Patawarin mo sana ako sa gagawin ko. Wala na kasi akong maisip na ibang paraan. Mahal na mahal kita na dumating na sa puntong nababaliw na ako na wala ka.

Alam ng Diyos na gusto ko lang mawala ang sakit na nararamdan ko. Alam din niyang ikaw lang ang makakaalis ng sakit na ito. Na ikaw lang ang makakaayos sa akin.

Kung binabasa mo ito ngayon ay malamang nasa ospital na ako at nag aagaw-buhay.

Patawarin mo sana ako. Minahal lang naman kita eh. Mahal na mahal kita na hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Mas mabuti pang wakasan ko na ang sakit na ito kesa mabuhay.

Patawad kung hindi ko na mahihintay pa ang pagbabalik ko. Tandaan mong mahal na mahal kita at hanggang sa kabilang buhay ay mamahalin pa rin kita.



Lubos Na Nagmamahal,

Katalina

NaytNayt's Short StoriesWhere stories live. Discover now