I can still remember the first day we met. Umuulan nun at basang-basa na ako ng ulan dahil wala akong payong. You were there with an umbrella. Inoffer mong makisilong ako sa payong mo.
At first I was hesitant pero kalaunan ay kinapalan ko na ang mukha ko at nakisilong na rin sa payong mo.
"San ka ba pupunta?" Tanong mo sa akin.
"Ah s-sa SM." Maikling sagot ko sa'yo.
"Really? Sabay na tayo dun din naman ang punta ko. And besides wala kang payong." Tumanggi ako sa offer mo pero nagpumilit ka pa rin kaya sa huli ay pumayag nalang ako.
Nang nay dumaan na jeep ay pinara mo ito at pinauna mo pa akong sumakay sa loob. Umupo ka sa tabi ko at ikaw pa mismo ang nagbayad ng pamasahe ko kahit na may pera naman ako.
Sobrang bait mo nung araw na yon at naisip kong ikaw siguro ang 'angel sent from above' ni G. Kasi syempre una inofferan mo ako ng payong. Tapos nilibre mo pa ako ng pamasahe. Tapos ngayon ay sinasamahan mo pa ako sa National Book Store.
"Sorry kung sasabihin ko ito ah pero di ka ba busy? I mean wala ka bang lakad at sinasamahan mo ako. Ni hindi nga tayo magkakilala." Pagsusuplada ko sa'yo habang pumipili ako ng libro sa fiction section.
Imbes na magalit ay natawa ka lang sa inasta ko at kinurot mo pa ang pisngi ko. Nang humupa na ang tawa mo ay pinakilala mo na ang sarili mo sa akin.
"I'm Theodore Aldaba. Theo for short." Sabi mo sabay lahad sa akin ng kamay mo.
"Winona." Nakipagkamay ako sa'yo pero hindi mo agad binitawan ang kamay ko. Nakangiti ka pa at bahagya mo pang pinipisil ang kamay ko.
"Uh, yung kamay ko."
"Oh." Sabi mo at binitawan ang kamay ko.
Pagkatapos kong mamili ng libro ay binayaran ko na ito sa counter. Lumabas na agad ako na nakabuntot ka pa rin sa akin. Medyo naiilang na ako sa presenya mo nun kaya hinarap kita. Napatigil ka naman sa paglalakad pero hindi pa rin maalis ang ngisi mo.
"What do you want from me?" Kinamot mo ang batok mo habang ang isang kamay mo ay nasa bulsa ng kulay itim mong pantalon.
"Uhm. Would you.. Would you like to have dinner with me?" Agad namang tumaas ang kilay ko sa sinabi mo.
"I mean. Ah kasi wala akong kasabay kumain and I thought you can join me para may kasama ako. Promise libre kita."
"No." Pero kahit na yun amg naging sagot ko ay hindi mo pa rin ako tinantanan. Kaya sa sobrang inis ko ay pumayag na ako sa gusto mo.
Kumain tayo sa Max's nang gabi yon. Dahil na rin gusto kitang inisin at makapal ang mukha ko ay nagorder ang ng marami.
"Grabe kaya mong ubusin yan?" Tinaasan lang kita ulit ng kilay at natahimik ka na.
Buong kain natin ay ikaw lang ang tanong ng tanong sa ating dalawa na minsa'y sinasagot ko ng pabalang. Throughout the night you never failed to laugh and to smile.
Gaya nga ng panagako mo ay nilibre mo ako. Nagpaalam na akong aalis dahil may trabaho pa ako ng gabing iyon. Nagpumilit ka na namang ihatid ako pero this time hindi na ako umangal dahil matigas ang ulo mo.
Sa sakayan ng jeep lang ako nagpahatid kahit na gusto mo'y hanggang sa pinagtratrabahuan ko. Nang umandar na ang jeep ay kumaway ka lang sa akin at ngumiti. Finally I smiled at you dahil aminin ko man o hindi ay natuwa ako sa presenya mo.
Buong akala ko ay yun na ang una at huling pagkikita natin ngunit nasundan pa iyon. Tulad ng dati ay hindi na naman ito sinasadya. Kasalukuyan akong pumipirma ng mga libro nang makita kita sa pila.
YOU ARE READING
NaytNayt's Short Stories
RandomCompilation of short stories with different genres..