Joshua

8 0 0
                                    

Unang-una sa lahat gusto kong magpasalamat sa'yo. Sa'yo na nagpangiti sa akin. Sa'yo na nagpatawa. Sa'yo na nanatili at nakinig sa mga problema at hinaing ko sa buhay.

Pangalawa, gusto kong humingi ng tawad. Hindi ko man masabi sa'yo ng personal pero inaamin kong nagkamali ako. Patawad dahil isa ka sa mga taong naging parte ng magulo kong buhay. Patawad dahil nasaktan kita. Patawad dahil ginulo ko ang mapayapang buhay mo.

Oo, inaamin ko. Noong una ay hindi purong pagkakaibigan ang aking nais. Gusto lamang kitang maging kalandian. Kafling. Dagdag sa mga koleksyon ko.

Pero habang tumatagal ay unti-unting nabago ang pananaw kong yun. Nakita at naramdaman ko kasi na ikaw ang tipo ng taong hindi pinaglalaruan. Hindi niloloko. Kaya nagpasya akong kaibiganin nalang talaga kita.

Dumating ako sa bagong kabanata ng aking buhay na hindi na paghahanap ng kasintahan ang nais sayo. Hindi na kalandian. Kundi matalik na kaibigan.

Bagong kabanata bagong pag-iisip. Binigyan kita ng palayaw. At iyon ang "mingming" dahil mahilig ka sa mga pusa at mukha kang pusa. Hindi ako mahilig sa mga palayaw na panghayop. Nasanay kasi akong puro 'babe, baby, mahal, darling at kung ano-ano ang tawagan ng mga magkasintahan ang ginagamit ko.

Masaya naman ako. Lalo na nung tinuring kitang matalik ko na kaibigan o bestfriend. Hindi ako nagsisisi dahil gumaan ang bigat sa aking dibdib sa bawat araw na lumilipas na magkausap tayo.

Lagi mo kasing pinaparamdam sa'kin na mahalaga ako. Na kamahal-mahal ako. Na may taong mananatili kahit na kumplikado ang buong pagkatao ko.

Nagdaan ang dalawang buwan at nanatili tayong magkaibigan. Mas dumami ang mga problema ko. Mas bumigat ang dibdib ko. At mas lalong gumulo ang buhay ko.

Dumating na naman ako sa puntong pagod na ako at gusto ko nang mamahina habang buhay. Sa puntong gusto ko nanng mamatay.

Hindi na ako madalas pumasok sa eskwelahan dahil maging doon ay ramdam ko ang kalungkutan at kabigatan. Maging doon ay ramdam na ramdam kong walang may pakialam sa nararamdaman ko. Na walang nagmamamahal sa'kin. Na isa lamang akong pabigat.

Gustong-gusto kong magsumbong sa'yo. Pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi ko alam kung paano sasabihin na hindi na ako masaya. Na hindi ko na kayang lumaban pa. Na gusto ko na namang mamatay. Na bumabalik na naman ang aking depresyon at mas lumalala higit pa sa inaakala ko.

Gustong-gusto ko din magsumbong sa pamilya ko, pero paano? Paano kung maging sila ay gusto na rin akong mawala. Papaano kung maging sila ay wala ding pakialam sa-kin. Sa nararamdaman ko. Papaano kung ayaw nila akong pakinggan.

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Kung kanino ako lalapit. Kung kanino ako kakapit. Kung kanino ako sasandal. Sa Diyos ba? Sa Diyos ba na unti-unti na namang nawawala ang aking pananampalataya.

Oo, inaamin ko ulit. Unti-unti na namang nawawala ang loob ko sa Kaniya. Pero pinipilit kong patatagin ito. Dahil ayokong maging siya ay mawala. Maging ako ay mawalan ng tiwala sa kaniya.

Sa totoo lang ay hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kung magpapakamatay na ba ako ulit para matapos ang lahat. Kung magbibigti ba ako ulit. Maglalaslas. Maghahanap ng taong lilibang sa akin. Nang taong babalingan ko ng atensyon pansamantala. Hindi ko na alam.

Unti-unti na akong nawawala sa katinuan ko. Mababaliw na ako kaiisip kung sino! Kung saan! Kung ano ang dapat kong gawin para mawala ang sakit at bigat na nararamdaman ko.

Pagod na pagod na ako. Sobrang pagod. Pero pangako, habang kaya ko pa lalaban ako. Kahit na wala na akong pangarap. Kahit na nawawala na naman ako, lalaban ako.

Huli't-huli ay gusto kong humingi ng tawad sa'yo. Patawad dahil pinagtulakan kita palayo. Patawad dahil hindi ko na kayang maging kaibigan ng lahat. Patawad dahil hindi na ako pwedeng maging cow girl mo. Patawad kung binitawan kita sa gitna ng pakikipaglaban ko.

Hindi ko kayang masaktan ka ng dahil sa akin. Hindi ko kayang magdusa ka sa isang problemang ako naman ang dahilan. Hindi ko kayang maging pabigat. Patawad.

Mahal na mahal kita, mingming. Salamat dahil naging matalik kitang kaibigan. Dahil pinaramdam mo sa aking masarap mabuhay. Na may masasandalan ako kahit panandalian lamang. You will always be my bestfriend.

:)

Lubos na Nagmamahal,
               🐮🐄

NaytNayt's Short StoriesWhere stories live. Discover now