Chapter One

3.3K 34 11
                                    

CHAPTER ONE

NAPABALIKWAS ng bangon si Apryl Antonio ng tumunog ang kanyang alarm clock. Malakas kasi ang tunog nito. It's seven o'clock in the morning and she needs to wake up para pumasok sa kanyang opisina. May meeting kasi siya sa araw na iyon with her staff para sa nalalapit na pagbubukas ng panibagong branch ng bakeshoppe niya sa Gingoog.

She's been in bakeshoppe business five years ago. At ngayon ay may sampung branch na ang kanyang Annie's Bakeshoppe all over Caraga Region. Annie ang ipinangalan niya nito dahil sa ito ang pangalan ng kanyang manyika na iniyakan talaga niya ng isang linggo simula ng maiwan niya ito sa eroplano ng minsang bumiyahe sila sa Cebu noong bata pa siya. Napatayo niya ang mga ito ng matanggap niya ang kanyang trust fund mula sa kanyang Papa Artemio. Nakipaghiwalay kasi ito sa Mama Cita niya dahil sa lulong na sa sugal ang ina niya at ayaw ng makinig sa kanila. Unti-unti na ngang bumagsak ang mga negosyo nila dahil sa mga utang ng Mama niya na kailangang bayaran ng Papa niya.

Nagkilala ang ama at ina niya sa mga social gatherings na dinadaluhan ng kanyang ama. Sikat kasi na modelo ang mama niya noon at ito lang ang alam nitong trabaho dahil sa hindi ito nakatapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Nagpakasal ang mama sa papa niya hawak-hawak ang pangako ng papa niya na bibigyan ito ng masagana at maayos na buhay. Naging spoiled ito sa papa niya. Kahit ano ang gusto nito ay binibigay agad ng kanyang ama kahit na hindi naman talaga kailangan nito. Tatlong beses itong bumibyahe sa ibang bansa kasama ang mga kaibigan nito. At kapag nandito naman sa bansa ay walang humpay ang pagsa-shopping nito at pagsusugal. Sa sugal nga ito nalugmok ng husto. Halos mag-isang daang milyon din ang nabayaran ng kanyang papa mula sa mga utang nito sa sugal. Bago pa man ito nakipaghiwalay ay binayaran nito ang lahat ng pagkakautang ng ina.

Mabait naman talaga ang kanyang papa. Masyado itong mapagkumbaba and a good family provider. Inabuso nga lang ng kanyang mama ito. Pero ni kahit isang salita wala siyang narinig mula dito tungkol sa kanyang mama. Bagkus nagpadala na lang ito ng annulment letter sa kanyang mama. Hindi rin niya ito nakita na pinagbuhatan ng kamay ang kanyang mama. Talagang mahal na mahal lang nito ang kanyang ina. Gaya ng sabi ng iba may sukdulan ang lahat. Siguro ay hindi na nito nakayanan ang mga problemang ibinigay ng kanyang mama kaya napagdesisyunan nitong makipaghiwalay na lang. Pero bago pa man ito nakipaghiwalay sa mama niya ay inisip nito ang kanyang kapakanan. Binigyan siya nito ng limang milyong piso para makapagsimula ng negosyo. O baka naisip lang nito na siya na ang bahalang sumagot sa luho ng kanyang mama.

Dali-dali niyang kinuha ang kanyang tuwalya at agad na pumasok ng banyo. Sabay niyang binuksan ang dutsa ng mainit at malamig na tubig sa shower. Ninanamnam niya ang sarap ng magkahalong init at lamig sa kanyang balat. Kahit papano man lang maibsan ng kunti ang pagod na kanyang nararamdaman. Alas dos pasado na kasi siya ng madaling araw umuwi dahil sa gumimik siya kasama ang dalawa niyang kaibigan na si Janice Pia at Ryana Tan.

Pagkaligo ay bumalik agad siya sa kanyang kwarto para magbihis. Nadatnan niya ang kanyang mama doon na hinahanda ang kanyang mga gamit pati na rin ang kanyang susuotin sa araw na iyon.

"Ma, ako na po dyan. 'Wag na po kayong mag-abala," mahinahon niyang sabi dito. Baka kasi magtampo ito at mamis-interpret ang pagsaway niya.

"Okay lang ito anak. Bumabawi lang ako sa mga pagkukulang ko sa'yo noon," anang nito na ipinagpatuloy pa rin ang pag-aayos sa mga gamit niya.

"Kayo po talaga. Naintindihan naman kita noon Ma, eh. Okay na po 'yun. Wala na 'yun sa akin," nakangiti niyang sabi dito at niyakap niya ito agad. "Sana'y makita ni Papa ang pagbabago mong ito Ma. Sana'y mabuo tayo muli."

Heart Memories ***Published - under  Lifebooks***Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon