Chapter Six

552 12 1
                                    

NAGING mailap si Apryl kay Ivan ng mga sumunod na araw simula ng nangyaring iyon sa kanila sa kusina ng hapon iyon. Minsan ay sinasadya niyang tanghali ng gumising para hindi niya makasabay si Ivan sa agahan. Mag-aalas nuebe na ng umaga siya lumabas sa kanyang silid. Hindi niya ito nakita sa sala o sa kusina kaya nakakilos siya ng maayos.

"Nauna na kaming umalis ni Ivan," sabi ng Tita Sidra niya nang madatnan siya nitong naghain ng pagkain. "Nasa likod si Ivan, naglilinis."

Tumango lang siya. Siguro'y nahalata na nang Tita niya ang pag-iiwasan nila ni Ivan sa isa't isa.

"Ano nang balita sa kaso mo? May progreso na ba?" kapagkuwa'y tanong nito sa kanya.

"Wala pa po, eh. Hindi pa ako nakatawag kay Mama nitong mga nagdaang araw. Mamaya tatawagan ko," sagot niya ng makaupo na siya sa mesa.

"May problema ba kayo ni Ivan?" biglang tanong nito sa kanya.

Hindi siya nakasagot. Napansin na nga nito ang pag-iwas niya sa lalaki. Patapos na siya sa kanyang pagkain ng pumasok si Ivan doon sa kusina. Tagaktak ang pawis nito mula sa paglilinis doon sa likod ng bahay. "Hello, Apryl," nakangiting bati nito sa kanya.

"Hi," maikling tugon niya.

Umupo ito sa tapat niya at nakapangalumbabang tumingin sa kanya habang kumakain siya. "Gusto mong maglakad-lakad mamayang gabi sa tabing-dagat?"

Kumibit balikat siya habang minamadali ang pagkain. Gusto niyang makalayo agad sa harap nito.

"Bakit naman?"

"Wala lang. Tinatamad ako," matabang na tugon niya.

Nang matapos siya ay dali-dali siyang tumayo at naghugas ng kanyang pinagkainan. Pagkatapos ay nag-excuse siya sa Tita niya at muling nagkulong sa kanyang kuwarto.

Pagsapit ng tanghalian ay kinatok siya ni Ivan. "Apryl, kakain na."

"Sige, mauna na lang kayo ni Tita at busog pa ako," sabi niya na hindi man lang niya ito pinagbuksan.

"Ako lang mag-isa, eh. Wala si Tita. Nakakabagot namang kumain na walang kasalo," anang nito. Naawa siya rito.

"Ikaw na lang. Busog pa ako. Mamaya na ako kakain pagkatapos kong basahin itong pocketbook," pagdadahilan niya.

"Okay," napipilitang sabi nito.

Ganon din ang ginawa niya ng maghahapunan na. Hindi rin siya sumabay. Nakahiga lang siya sa kama. Naisip niyang tawagan ang Papa niya.

"Hello," anang ng papa niya sa kabilang linya. "I'm glad at tumawag ka. Bakit laging off ang cellphone mo?"

"Gusto ko lang makaiwas sa mga kakilala ko, Pa. Alam kong puputaktihin itong cellphone ko sa dami ng tatawag at magte-text sa akin. May balita po ba kayo sa kaso ko, Pa?"

"May tinitingnan silang ibang anggulo sa pagkamatay ng babae. Maaring nag-suicide ito dahil may bakas ng gunpowder ang mga kamay nito. Pero talagang idiniin ka ng nakakita sa'yo. Hayaan mo anak at masosolve rin ang problemang ito."

"Sana nga ho, Pa. Pakitulungan na lang po ninyo si Mama sa pagpapatakbo ng bakeshoppe," anang niya.

"Huwag kang mag-alala anak. Maayos naman ang pagpapatakbo ng Mama mo. Tinutulungan naman siya ni Janice at Ryana. Saan ka ba ngayon?"

Heart Memories ***Published - under  Lifebooks***Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon