Chapter Two

941 21 0
                                    

CHAPTER TWO

PAPAUWI  na si Rod mula sa meeting na dinaluhan niya sa IT Park sa Cagayan de Oro. Kaya hapung-hapo siya sa biyahe niyang iyon pauwi sa kanilang bahay. Pagkarating niya sa labas ng kanilang bahay ay agad siyang bumusina para mapagbuksan siya ng gate. Pero magdadalawang minuto na siyang bumubusina doon pero wala pa ring nagbukas sa kanya.

            Siguro’y nasa kusina na naman si Ryan, sa isip niya na ang tinutukoy ay ang hardinero nila.

            Kaya napilitan siyang bumaba ng kotse. Hindi niya namalayan ang paglapit ng isang lalaki mula sa kanyang likuran. Pinukpok siya nito sa batok na siyang ikinagupo niya. Bago pa siya nawalan ng ulirat ay naramdaman niyang binuhat siya nito at isinakay sa isang kotse.

NAGISING si Rod. Agad siyang luminga-linga sa kanyang paligid. Naalala niyang may pumokpok sa kanya sa batok kaya nawalan siya ng malay. Tatayo sana siya mula sa kanyang pagkakaupo ng mapansin niyang nakatali siya doon sa kanyang kinauupoang silya. Ramdam pa niya ang pananakit ng kanyang batok.

            “Well! Well! Well! Mabuti at gising ka na Mister Montenegro,” tumatawang turan ng isang lalaking balbas sarado ang mukha. Malaki ang bulto ng katawan nito. Tantiya niya nasa mga trenta y otso na ito. Nasa likuran naman nito ang apat pang mga lalaki na mukhang mga kontrabida sa pelikula.

            “What do you want?” nanggigil niyang tanong dito.

            “Ako wala. Pero ang kliyente ko meron. Malaki kasi ang atraso mo sa kanya dahil sa pagiging pakialamero mo,” nakangiting turan nito.

            “Sinong nag-utos sa inyo?  Papuntahin mo siya dito at nang magtuos kami,” galit niyang utos dito.

            “Hindi na kailangan Mister Montenegro. Kaya nga kami narito, binayaran niya para iligpit ka. Pero bago ka namin iligpit, hindi naman siguro kalabisan na maambunan kami ng grasya ng mga magulang mo. Hindi ba mga bata?”

            “Tama! Tama!” sagot naman ng mga ito bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

            “Mga demonyo kayo!” singhal niya.

            Pero pinagtatawanan lang siya ng mga ito.

            Nakita niyang may tinawagan ang lalaking balbas sarado ang mukha at nilapitan siya nito.

            “Misis Montenegro nandito sa amin ang gwapo mong anak. Kung gusto pa ninyong makita siya eh maiging ambunan ninyo kami ng grasya ninyo. Limang milyon lang Misis Montenegro kapalit ng buhay ng iyong anak,” anang nito na tumawa agad.

            Dinig niyang humagulhol ang kanyang ina sa kabilang linya dahil nakaloud speaker ito.

            “Huwag ninyong saktan ang anak ko. Sige magbibigay kami,” anang ng mama niya.

            “Ma, huwag kayong magbigay. Gagawa ako ng paraan. Tatakas ako dito,” sigaw niya.

            “Narinig mo naman ang boses ng anak mo Misis. Siguro’y tama na iyon. Mamaya, alas onse ng gabi sa isang abandonadong building sa Magsaysay, sa Misamis Oriental doon ninyo iwan ang pera.”

            “Paano ang anak ko?” ang mama niya.

            “Huwag kayong mag-alala makikita n’yo rin siya.” At pinutol na agad nito ang tawag.

            “Wooah! Yayaman na tayo. Bukod sa may bayad pa sa atin si Mister Montes eh may ransom pa ang magulang nito,” anang nito.

Heart Memories ***Published - under  Lifebooks***Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon