CHAPTER TEN

1.4K 25 2
                                    

CHAPTER TEN

BALISA si Rod nang makauwi na siya sa kanilang rest house sa Gingoog galing sa debut party ng kanyang pinsan. Hindi niya makalimutan ang mukha ng babaeng nakilala nito kanina doon sa party. May bahagi ng utak niya na nagsasabing mahal niya ito at nararamdaman din niya iyon. Pero paano niya nagiging mahal ito gayung hindi naman niya ito kilala? Naging bahagi kaya siya ng buhay ko noong nagka-amnesia ako? Iyon ang katanungang nabuo sa isipan niya.
"Is there bothering you, son?" anang ng papa niya na hindi niya namalayan na nasa likuran na pala niya.
"Kailan po kayo dumating, Pa?" tanong niya agad sa ama ng makalapit na ito. Ang akala kasi niya ay bukas pa ito susunod sa kanya doon at may ilang bagay lang na aasikasuhin ito doon sa Cagayan de Oro.
"Kaninang alas-siete pa," sagot naman nito sa kanya at agad na tumabi sa kanya paharap doon sa karagatan doon sa terasa sa ikalawang palapag ng rest house nila.
"Bakit hindi po kayo tumuloy doon sa bahay nina Tita Celyn? Alam n'yo naman na debut ngayon ng paborito ninyong pamangkin."
"Pagod na kasi ako hijo. Siguro naman ay maiintindihan ako ng pinsan mo. I send my gift to her already," saad nito na malayo ang tanaw. Bumuntong-hininga ito ng malalim. "Hanggang ngayon pa ba hijo ay hindi pa nagbalik ang buo mong alaala?"
Nilagok niya ang laman ng kanyang baso. Nang maubos ay humarap siya sa kanyang ama.
"Hanggang ngayon Pa ay wala pa rin. Pero kanina may babae akong nakilala doon sa party at parang kilala ko s'ya. I feel something to her at sa tingin ko ay kilala rin niya ako."
"Then, what happen?"
"Umalis po agad matapos kaming magpakilala sa isa't isa."
"Hijo, h'wag kang mawalan ng pag-asa," anang nito na tinapik-tapik pa siya sa balikat. "Babalik rin ang lahat ng alaala mo."
"Sana nga Pa. Sana nga!"
Kinaumagahan ay maagang gumising si Rod. Gusto niyang humabol sa pinakaunang biyahe ng barge papuntang Camiguin. Gusto niyang hanapin ang mga taong kumupkop sa kanya. Tiyak niyang pag pumunta siya doon ay may makakilala sa kanya at masabi sa kanya kung saan siya nakatira dati para makilala at mapasalamatan niya ang mga taong tumulong at kumupkop sa kanya sa panahong nagka-amnesia siya.
Pagkarating niya sa Camiguin ay doon agad siyang nagsimula pumunta sa lugar kung saan bumalik ang alaala niya. May ilang mga mangingisda doong pumalaot na. Gusto sana niyang kausapin ang mga ito pero malayo na ang mga ito.
Naglakad-lakad muna siya sa dalampasigan hanggang sa makarating siya sa isang bahay na pamilyar sa kanya. Nakita niya sa bakuran noon ang isang babaeng tantiya niya mga nasa singkwentay y singko na na nagdidilig ng mga bulaklak. Nilapitan niya ito.
"Excuse me po," aniya.
Lumingon naman ang babae sa pagkamangha nito ng makita siya ay napayakap ito sa kanya.
"Oh my God! Mabuti naman Ivan at okay ka. Matagal na kitang hinahanap," anang nito.
"Kilala n'yo po ako?" maang niya.
"Oo naman." Napatutop ito sa sariling bibig na nanlaki ang mga matang tumitig sa kanya. "Nagbalik na ang alaala mo?" tanong nito sa kanya.
"Not all," malungkot niyang sagot.
"Good to hear that! That's a good start. Halika pumasok na sa bahay at kuwentuhan mo ako," anito na hinila pa siya papasok sa kabahayan at nagpatisunod naman siya.
Pinaupo siya nito sa sofa at naupo naman siya sa upoang kanunog nito. Nagpakilala ito sa kanya na siya daw ang Tita Sidra niya. Ang tumulong at kumupkop sa kanya. Doon nagsimula siyang magsalaysay kung paano bumalik ang alaala niya. Pagkatapos niyang magkuwento ay siya naman ang nagtanong nito.
"Saan n'yo po ba ako natagpuan?"
"Natagpuan ka namin ng mga tauhan ko sa resort sa dalampasigan isang umaga. Duguan ka at may sugat sa likod. Ang dami mong pasa. Ilang araw ka ring walang malay pero inalagaan kita. Nang magkamalay ka tinanong kita sa pangalan mo dahil sa wala naman kaming nakuhang mapagkilanlan sa'yo pero sabi mo wala kang maalala."
"May naging kasintahan po ba ako dito o nakarelasyon?" diretsahan niyang tanong.
"M-me-meron. Ang pamangkin kong si Apryl," atubiling sagot nito sa tanong niya.
"Bakit parang nag-alangan po kayo? May problema po ba?"
"Ikakasal na kasi siya. Hinanap ka niya ng dumating ang fiancée niya para magpaliwanag siya sa'yo. P-pero bigla ka na lang nawala. Hindi mo ba talaga siya maalala?"
Umiling siya. "Noong napulot n'yo ako. May nakita po ba kayong bracelet na suot ko?"
"Oo. Meron. Meron."
"Saan na po 'yun"
"Binigay mo sa pamangkin kong si Apryl," sagot nito.
Tama nga ang hinala niya. May koneksyon siya sa babaeng nakita niya sa birthday party ng pinsan niya at sa kanya iyong suot nitong bracelet. Pero bakit hindi ito nagpakilala sa kanya? Dahil ba sa ikakasal na ito?
"Salamat po Tita. Talagang malaki ang utang na loob ko sa'yo," tanging sabi na lang niya.
"Walang anuman hijo. Ano nga ang tunay mong pangalan?"
"Rod po. Rod Montenegro," aniya.
"Aba'y ang yaman mo pala. Kayo pala ang may-ari ng Montenegro Farms at Montenegro Meat Processing kung ganun."
Ngumiti lang siya.
"So anong balak mo ngayon?"
"Kailan po ba ang kasal ni Apryl?" sa halip iyon ang nasabi niya.
"Sa makalawa na." Lumapit ito sa kanya at tiningnan siya nito ng seryoso. "Alam kong hindi mo pa siya naalala sa ngayon. Kapain mo ang puso mo, alam kong nandyan siya sa kaibuturan nito. Hindi mo man maalala siya sa isip mo, pero I know maalala siya ng puso mo. Ipaglaban mo kung may nararamdaman ka talaga sa kanya. Alam kong sa ikli ng panahon na pagkakilala ninyo ng pamangkin ko, ikaw na ang nagmamay-ari ng puso niya."
Sa sinabi nito sa kanya parang may kung anong pinto ang nagbukas sa kanyang alaala. Maliwanag na maliwanag iyon na nakakasilaw. Biglang sumakit ang ulo niya na parang mabiyak.
"Okay ka lang Ivan e-este Rod pala?" natarantang tanong nito sa kanya ng makita siyang namimilipit sa kanya ng ulo niya.
Sa sobrang sakit na naramdaman niya sa kanyang ulo ay bumigay siya at hinimatay.

MAAGANG gumising si Apryl ng makauwi na sila sa Butuan. Ngayon ay kailangan na niyang haharapin ang nalalapit na kasal nila ni Alex. Parang ang lalaki pa ang excited sa nalalapit nilang kasal sa susunod na buwan dahil sa ito na halos ang nag-aasikaso ng lahat ng mga kakailanganin at detalye sa kasal nila. Maswerte pa rin siya kahit papaano at mabait at maunawain si Alex sa kanya. Kaya nagi-guilty siya sa kanyang sarili for being unfair.
Pagkatapos niyang magbihis ay agad siyang bumaba sa komedor. Nadatnan niya ang kanyang Mama na naghahanda ng kanilang agahan. Malaki na ang ipinagbago nito. Naging responsable na ito at naging masayahin.
"Mmmm... Mukhang may pinaghahandaan kayo Ma, ah!" bungad niya.
"Dito daw mag-aagahan ang Papa mo, kaya lahat ng paborito niya niluto ko," masayang tugon nito.
"Mukhang may hindi ako nalalaman... Pwede mo ba akong kwentuhan, Ma?" paglalambing niya sa ina.
Natawa ito sa ikinilos niya. "Ano bang ikukwento ko sa'yong bata ka?"
"About you and Papa. Nagkabalikan na ba kayo, ha?" pangungulit niya.
"Mmm... Hindi pa. Pero we're friends na ulit," anang nito na parang kinilig. "O s'ya, maupo ka na at mauna ka nang kumain at mayamaya lang nandito na yung si Alex. S'an ba lakad n'yo ngayon?"
Nang maalala ang nalalapit na kasal n'ya ay para siyang nanghina. Naupo siya at nagsalin ng pagkain sa kanyang pinggan. Wala na talagang pag-asa ang kanyang nararamdaman kay Ivan. Soon, ay matatali na siya sa lalaking una niyang pinangakuan at minahal pero hindi siya sigurado kung may puwang pa rin ba ito sa puso niya o kung nandoon pa rin ba ito.
Mabait si Alex at iyon ang isa sa mga dahilan kaya madali niya itong minahal noon. Pero ngayon ay iba na ang nilalaman at nagmamay-ari ng kanyang puso. Hindi niya mawari kung bakit ganun na lang kadali nahulog ang loob niya kay Ivan at hindi lang niya namalayan sa maikling panahon na iyon ay inibig na niya ito.
Nagising siya sa kalagitnaan ng isiping iyon ng marinig niya ang pagbusina ng kotse ni Alex. Sinusundo na siya nito at pupuntahan nila sa araw na iyon ang florist na siyang magdecorate ng buong simbahan sa araw ng kasal nila.
Naawa siya kay Alex. Nagi-guilty siya sa sarili. She's so unfair dito. Alex is faithful to her and treated her like a princess. Mahal naman niya si Alex, noon. Pero ng magkatampuhan sila nito, nagtago sa isla ng Camiguin after that incident at nakilala si Ivan ito na agad ang humalili sa pwesto ng puso niya na si Alex ang unang umokopa at nagmamay-ari.
Agad siyang tumayo ng makita itong pumasok na doon sa komedor. Pilit ang ngiting sinalubong ito at hinalikan sa pisngi.
"Halika sabayan mo na akong mag-agahan," yaya niya dito.
"Tamang-tama hindi pa ako nakapag-agahan," masayang sabi nito.
Ipinaghila niya ito ng upuan at ipinaghain ng pagkain. Nang sabay na silang kumain ay masaya itong nagkwento sa kanya sa mga detalye sa magiging kasal nila. Sobrang excited ito pero siya ay hindi man lang siya makaramdam na kahit kunting tuwa at saya sa mga pinagkukwento nito. Lahat ng gusto niya noong nagpaplano pa lang sila ay talagang ginawa at sinunod nito. Nakatitig lang s'ya kay Alex habang kumakain na masaya pa ring nagkwento.
Nakaramdam siya ng habag dito. Talagang nakokonsensya na s'ya. But still gusto niyang panindigan ang pangakong pakakasalan niya ito. Baka pagnaikasal na sila at nagsama ay babalik ang kanyang pagmamahal at pagtangi kay Alex at malimutan na niya si Ivan pati na rin ang kanyang pagmamahal dito.
"May problema ba, Ma?" tanong ni Alex sa kanya. Siguro'y napansin nito ang kanyang pananahimik.
"Ha? Ah, eh... Wala! May iniisip lang ako," pagsisinungaling niya.
"C'mon. Tell me," pilit nito sa kanya.
"Wala nga 'to. Kumain ka lang d'yan at may kukunin lang ako sa taas," paalam niya dito. Pero ang totoo ay nais niyang umiwas sa mapanuring mga mata nito. Alam niyang alam nito kung nagsisinungaling siya.
Nang makarating siya sa silid niya ay humiga siya sa kanyang kama nakatitig siya sa kawalan. Iniisip niya kung paano niya maibalik ang dating pagmamahal na iniukol niya kay Alex. Aminado siya sa kanyang sarili ngayon na hindi na niya ito mahal. Pero sinasabi ng utak niya na ito ang piliin at hindi si Ivan. Tama nga naman ang sinisigaw ng utak niya. Ivan is totally a stranger to her. Pero paano naman niya pipigilan ang sinisigaw ng kanyang puso. Nalilito na siya. Pumikit siya. Narinig niyang may tumikhim. Ang mama niya. Napabalikwas siya sa kinahihigan.
"Kanina pa po kayo dyan?" nakakunot-noong tanong niya.
"Bakit hindi mo nalang prangkahin 'yung tao, anak? Unfair naman iyon sa kanya. Alex is a nice guy," sabi ng mama niya na kanina pa pala nakatayo doon sa pintuan niya at nakamasid lang sa kanya.
"Hindi ko alam, Ma. A part of my heart says, mahal ko siya. Nalilito ako ma," anang niya na nakapangalumbabang nakaupo sa gilid ng kama niya.
"Iba ang pagmamahal sa awa anak."
"Alam ko, Ma. But....."
"Basta ang sa akin lang anak kung wala ka ng pagmamahal kay Alex, huwag mo nang ipilit ang iyong sarili sa kanya at paasahin siya. Better tell him the truth at baka maunawaan pa niya."
Bumuntong-hininga siya. Nilapitan ang ina at saka niyakap.
"Alam kung mahirap, anak. Pero kailangan mong gawin ang nararapat. Hanggang kailan mo itatago sa kanya ang katotohanan?"
Napaisip siya sa tinuran ng ina. Ni minsan ay hindi siya nito tinuruang magsinungaling pati ang Papa niya. Naalala niya ng minsang nagsinungaling siya ay pinaluhod siya nito sa asin at simula noon ay pinangako niya sa sarili na hindi na muling magsinungaling.
"Tama po kayo. Pero paano? Ayoko siyang saktan, Ma."
"May paraan ang lahat anak. Hayaan mo, magkakalakas ka rin ng loob para magtapat kay Alex."
"Sana Ma. Sana."

Heart Memories ***Published - under  Lifebooks***Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon