Chapter Three

674 18 4
                                    

INIHATID muna ni Apryl ang dalawa niyang kaibigan sa kanya-kanyang mga bahay bago siya umuwi sa kanila. Nanginginig pa siya sa takot sa nasaksihang krimen. Sino kaya ang lalaking iyon? Bakit siya pinatay? Iyon ang mga katanungang sumagi sa kanyang isipan.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Tuloy nakonsensya siya na hindi niya ito tinulungan. Pero ano ba ang laban niya sa limang lalaking pumaslang nito.

Mag-aalas-dose na lang at hindi pa rin siya makatulog dahil laging nagpa-flashback sa kanyang gunita ang nasaksihan kanina. Kaya minabuti niyang tawagan na lang si Janice. Nagring ang cellphone nito. Pero walang sumagot. Tinawagan niyang muli ito.

"Bakit ba?" anang nito sa kabilang linya.

"Samahan mo naman ako oh. Hindi kasi ako makatulog," aniya.

"Inaantok na ako eh. Saan ba?" maktol nito.

"Sa Woodstock. Gusto kong uminom para makatulog agad," aniya.

"Sige daanan mo na lang ako dito sa bahay," anang nito at pinutol niya agad tawag.

DINAANAN ni Apryl si Janice sa bahay nito sa Pareja Subdivision. Malayo pa siya ay tanaw niya itong nakatayo sa gate ng bahay nito. Panay ang tingin sa wristwatch nito at alam niyang naiinis na ito sa kakahintay sa kanya. Huminto siya sa tapat nito. Agad niyang binaba ang salamin ng bintana ng kotse niya. Hindi pa man ito tuluyang nabuksan ay binirahan na siya nito ng sermon.

"Hay naku! Akala ko tuluyan ng mamuti ang mga mata ko sa kakahintay sa 'yong babae ka. Nakakainis kang talaga," inis na sabi nito.

"Buti nga at sinipot pa kita. 'Wag mo nga akong mataray-tarayan dyan at hindi mo pa alam ang dahilan ko kung bakit ako natagalan ," ganting bira naman niya rito.

"Kaw kasi, eh. Di mo man lang sinasagot ang mga text ko," maktol nito.

"Eh sa wala akong load. Nag-expire na kaya unli ko at saka last load nap ala 'yung itinawag ko sa'yo kanina," aniya.

"Nagpa-alert ka sana na at ng napasahan kita."

"Hay naku, tama na nga 'yang tampo-tampo mo. Ano sasakay ka ba o hindi? Iiwan na kita. Naghihintay na si Ryana doon," anang niya na akmang papatakbuhin na ang kotse. Itinext din niya si Ryana na pumunta doon. Pero nandun na pala ito kasama ang boyfriend.

"Hoy wait... Oo na. Sasakay na ako," anito na sumakay naman agad sa kotse.

"Ang dami pang drama nito, eh sasakay din naman pala," anang niya na nakasimangot.

Pinaharurot niya ng takbo ang kanyang kotse. Wala ng gaanong sasakyan sa kalsada kasi mag-aalas onse na, kaya mabilis lang silang nakarating sa Woodstock. Isa itong two-storey building na ang nasa ibaba ay isang twenty-four hour na mini-grocery store at ang itaas ay ang bar mismo. Ang interior design ng bar ay parang isang wood cabin sa America na karaniwang tintirhan ng mga hunters during summer and hunting season. Yari ito sa mga troso at wood barks na makukuha sa Agusan River.

Nang makapasok na sila sa loob ay agad niyang nilinga ang kanyang paningin. Hinahanap niya kung saan pumuwesto si Ryana. Siniko siya ni Janice at itinuro ang kinaroroonan ni Ryana. Naroon ito sa isang sulok na mesa at may kahalikang lalaki.

Agad niya itong nilapitan at pasimpleng binulongan.

"Wala ka talagang hiya! Magpaka-demour ka nga minsan..!" simpleng bira niya rito.

Heart Memories ***Published - under  Lifebooks***Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon