Chapter Nine

621 16 1
                                    

PAGKARATING ni Rod sa Cagayan de Oro kasama ang kanyang magulang ng sinundo siya ng mga ito sa Binoni ay dumiretso agad sila sa Police Station. Doon ay nagreport siya tungkol sa pagpadukot at pagpapaslang sa kanya na utos ni Mister Montes. Nagbigay siya ng cartographic sketch sa mga dumukot at bumalik sa kanya.

Agad din namang inaresto si Mister Montes matapos mailabas ang warrant nito. Sapat ng katibayan ang kanyang salaysay para hulihin ito. Sinampahan na rin niya ito ng kasong panunuhol sa kanya noon. Ilang linggo pa ay nahuli na rin ang grupo ni Romeo na siyang lalong nagpadiin kay Mister Montes para makulong.

Ngayon solve na ang problema niya. Iniisip ngayon niya na hahanapin ang taong tumulong sa kanya. Tiyak niyang nandun lang ito sa Camiguin.

SINUGOD agad si Apryl ng kanyang mga kaibigan sa kanilang bahay ng malaman ng mga ito na nakauwi na siya. Napaiyak pa si Janice at Ryana nang makita siya ng mga ito.

"Drama na naman," maktol niya sa dalawa habang pinupunasan niya ang kanyang mga mata.

"Alangan, na-miss ka naming ng sobra. Mabuti na lang at solve na ang kaso mo," anang ni Ryana na kumalas na sa kakakalas lang sa pagkayakap sa kanya.

"Oo nga! Bruha ka talaga, pinag-alala mo kami ng husto ng mga panahong lumayas ka. Kung alam ko lang na nasa Camiguin ka, matagal na kitang sinugod doon," si Janice na binatukan pa siya.

"Naku, kung ikaw pa ang pagsasabihan ko, tiyak matagal na akong nahuli ng mga pulis."

"Kaw talaga! Wala kang tiwala sa akin. Ipagkanulo ba naman kita?" protesta nito sa sinabi niya.

"Oo nga, hindi mo ako ipagkanulo. Pero sa kakulangan ng brake fluid ng bibig mo, tiyak matagal ka ng nadulas at naipagkanulo mo na ako ng di sinasadya," aniya na sinabayan pa niya ng tawa. At nagkatawan silang tatlo.

Sabay silang naupo doon sa kama niya. Just like the old times noong mga high school pa sila. Kwentuhan.

"Oo nga pala. Bakit di mo na lang hinarap ang kaso mo noon?" walang kagatul-gatol na tanong ni Janice sa kanya.

"Nalito na kasi ako noon. Natakot. Hindi ko na alam ang gagawin ko that time. Kaya ayon lumayas ako at nagtago," paliwanag niya.

Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo.

"Alam n'yo..." panimula niya at humiga sa kama. Nakatuon ang kanyang paningin sa kisame. Nakangiti. "May nakilala ako doong lalaki."

"Huh? Sino?" sabay na tanong ng dalawa sa kanya.

At ikinuwento niya sa dalawang kaibigan niya ang mga nangyari sa kanya doon sa Camiguin. Simula pa noong nasa elementary pa sila ay hindi na sila naglilihiman. Nagsasabihan sila ng mga sekreto at tanging silang tatlo lang ang nakakaalam noon.

Naging mataman ang pakikinig naman ng kanyang dalawang kaibigan sa kanyang pagkwento. Hindi na lang niya namalayan ang dahan-dahang pagtulo ng kanyang mga luha ng ikuwento na niya sa dalawang kaibigan ang gabing nagpaalam siya kay Ivan at ang gabing huli niya ito nakita.

"Do you love him?" marahang tanong ni Ryana sa kanya habang inapuhap ang likod niya.

Tumango lang siya.

"Bakit hindi mo siya ipaglaban?" tanong naman ni Janice sa kanya.

Hindi siya sumagot bagkus ipinakita niya ang suot na engagement ring. "This is the reason. I'm committed to Alex already and I want to fulfill my commitment to him," mariin niyang sabi.

Heart Memories ***Published - under  Lifebooks***Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon