Chapter Eight

567 17 1
                                    

NAPABALIKWAS ng bangon si Apryl kinaumagahan ng malamang nakahubad siya. Nang lumingon siya ay nakita niya si Ivan sa tabi niya na mahimbing na natutulog. Naalala niya agad ang nangyari sa kanila kagabi. Dahan-dahan niyang dinama ang noo nito. Wala na itong lagnat.

Dahan-dahan siyang umalis sa tabi nito at nagbihis. Napangiti siya habang tinitingnan itong natutulog. Para itong sanggol na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama. Nang tingnan niya ang wall clock ay mag-aalas nuebe na pala. Dali-dali siyang lumabas ng silid at tinungo ang kusina para maghanda ng agahan nila. Kaya pala nagrereklamo na ang mga bulate sa tiyan niya.

Habang nagluluto siya ng kanilang agahan ay naisip niya si Alex. Hindi niya alam kung kaya pa ba niya itong harapin matapos ang nagawa niyang pagtaksil dito. Oo nga, hindi nga nito alam ang nagawa niyang kasalanan. Pero, hanggang kailan niya kayang ilihim at itago ito?

Hindi pa nga niya nasolusyunan ang problemang kanyang tinatakasan sa kanila sa Butuan. Heto na naman siya at may ginagawang panibagong problema. Napakatanga mo talaga!, napasabunot siya sa sarili.

Nang matapos magluto ng agahan ay sinilip niya si Ivan sa silid nito. Mahimbing pa rin itong natutulog. Gusto niya sana itong gisingin para makasabay ng agahan pero may isang bahagi ng isipan niya ang pumipigil na gawin iyon. Pa-ayaw-ayaw ka pa noon. Bibigay ka rin pala! Ang landi mo!

Bumalik siya ng kusina at mag-isang kumain ng agahan. Pagkatapos niyang kumain at naglinis ng kusina ay naisip niyang lumabas doon sa maliit na harden ng tita niya. Maupo doon at magpahangin. Siguro naman ay walang makakakita sa kanya doon dahil sa malago naman ang halaman na nakatanim sa bahaging iyon ng biranda.

Naupo siya sa isa sa apat na upuan na gawa sa lumang gulong pati na rin ang center table nito. Ilang lang na nakaupo siya doon ay nakarinig siya ng may traysikel na huminto sa tapat ng bahay ng tita niya.

Dali-dali siyang kumubli sa isang halaman na nandoon. Imposibleng si Tita ito. Ang paalam niya dalawang araw siyang mawawala, sa isip niya.

Laking gulat niya ng mamukhaan niya ang babaeng pumasok sa tarangkahan ng gate, ang Mama niya. Napalundag ang puso niya sa sobrang galak. Ngali-ngali siyang lumabas doon sa pinagkublian niya at sinalubong ito. She misses her mother so much. And she hugs her.

"Ma, buti naman at naisip n'yong dalawin ako," mangiyak-ngiyak niyang turan dito habang mahigpit niya itong niyayakap.

Pati rin ito ay naluha. "Shhh... tahan na!" anito.

"Nasaan si Papa?" untag niya dito ng mapansing wala ito at kumalas siya mula sa pagyakap niya dito.

"Nagpaiwan at walang mag-aasikaso sa bakeshoppe mo. Pero may kasama ako at may maganda ako ibabalita sa'yo," masayang turan nito.

Napakunot-noo siya sa tinuran ng ina. "Sino?"

"Hi Ma!" anang ng lalaki na pumasok sa gate. Si Alex. Natulala siya ng makita ito. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya. Parang wala siyang makapang kagalakan sa puso niya ng makita ito.

"Hoy! Hindi mo ba yayakapin ang mapapangasawa mo?" untag ng mama niya saka lang siya natauhan.

Pilit ang ngiting nilapitan niya at niyakap ito.

"I miss you so much, Ma," anang ni Alex ng kumalas siya sa pagkayakap dito. Bigla'y hinalikan siya nito sa labi.

"Apryl, sinong---." Si Ivan na kakagising lang. Hindi na nito naituloy ng makitang may kahalikan siya. Naka-shorts lang ito at walang pang-itaas.

Heart Memories ***Published - under  Lifebooks***Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon