Bumalik na lang ako sa classroom namin dahil tapos na ang recess.
Sakto naman na pagdating ko sa room ay syang pagdating din ng teacher namin.
"Good morning class"bati sa amin ng teacher namin.
"Good morning ma'am"sabay sabay din naming bati.
Habang nagkaklase ay may kumakalabit sa may bandang kanan ko.Nilingon ko naman ito at 'what? look'
"Saan ka galing"bulong sa akin ni drake.
"Paki mo ba? "sarkastiko kong sabi sa kanya. Kala nyo ha! Porket nerd eh wala na kong karapatang maging sarkastika.
"Sungit"sabi nya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at nakinig na lang ako sa teacher namin.
Aral
Aral
Aral
Hay salamat uwian na. Ang sakit ng pwet ko kanina pa ko nakaupo dito eh. Pinauna ko na silang lumabas. Nagtataka ako kung bakit d pa tumatayo tong katabi ko.
"Sabay na tayong umuwi"sabi sa akin ni drake.
"Ayoko"sabi ko sa kanya.
"Choosy mo ikaw na nga niyayaya"sabi nya sa akin.
"Sino ka ba para yayain ako"sabi ko naman sa kanya.Wala kasi ako sa mood ngayon. Kanina ko pa kasi iniisip kung sino ba talaga yung Lucas na yun.
Tumayo na ako nagsimulang maglakad. Naramdaman kong may sumabay sa akin. Hindi na akong nag-abalang lumingon pa dahil alam ko namang si Drake Bakulaw to'.
May babaeng dumaan sa harap namin maganda sya makinis at nakatitig sya kay drake. Si drake naman ay lumapit sa kanya.. Tsk! Casanova Mode On.
Nilapitan sya ni drake at binati sabat halik sa labi. Yuck! Porn!
Binilisan ko na lang paglalakad ko at iniwan silang dalawa doon.
"Love, wait! "sabi ni Drake Bakulaw.
Hindi ko sya pinansin at naglakad ako ng mabilis lakad takbo na nga ang ginagawa ko.
"Selos ka noh? "sabi nya sa akin. Huh? Ako selos feeling nya lang yun.
"Kapal mo! "sabi ko saka binilisan pa ang paglalakad. At sumabay nanaman sya sa akin.
"Bakit ang bilis mong maglakad? "sabi nya naman. "Iniiwasan mo ba ko Love? "nakangising tanong nya sa akin.
"Oo, iniiwasan kita kasi panggulo ka, pwede bang tigilan mo na ko. Pati mga bagay na hindi dapat mangyari sa akin nangyari sa akin? Ni nanay ko nga hindi ako sinampal o sinabunutan. Samantalang yung Akeisha na yun parang wala lang yung ginawa nya sa akin"naiinis na sabi ko sa kanya.
"Sinampal ka ni Akeisha? "tanong nya sa akin.
"Oo at dahil yun sayo kaya pwede bang layuan mo na ko?!! "sabi ko sa kanya na maluha luha na.
"No,hindi pwede"nakangising sabi nya. Bwisit kala ko pa naman gagana na yung drama effect ko. Nagpatiuna na akong maglakad sa kanya.
"Saan bahay nyo? "tanong nya sa akin. Tsk! Akala ko wala na tong bakulaw na to?
"Basta wala ka na don"sabi ko sa kanya at mas binilisan pa ang maglalakad.
"Okay, malalaman ko rin yun"sabi nya at saka na kami naghiwalay ng daan.
Pagdating ko sa bahay ay nagmano ako kay mama at umakyat na sa kwarto ko, nagpahinga muna ako saglit at saka nagshower. Bumaba na rin ako para kumain. Nagkwentuhan pa kami ni mama bago ako umakyat sa taas at gumawa ng Assignment.
Ginawa ko na agad ang assignment ko kahit sabado na bukas. Syempre para wala na akong gagawin.Mabilis din naman akong nakatulog dahil sa pagod.
«««««««««7:30am»»»»»»»»»
Arghh! Unat unat. GOOD MORNING READERS😜😜😜
Ginawa ko na ang Morning Routine ko at saka bumaba para magjogging yeah right tama kayo ng dinig magjojogging ako syempre ganito na nga ang mukha ko sasayangin ko pa ba ang katawan ko. Hindi kasi ako palaayos ng mukha. Ayan tuloy mukha akong nerd. Ayaw ko din kasi ng atensyon, hindi ako tulad ng iba dyan na masyadong pabida.
Pumunta ako sa malapit na park at saka dun ako nagpahinga.
"Uyy bebe! "napalingon ako sa sumigaw at natanaw ko si Marielle at Leah. Kumaway ito sa akin kaya nilapitan ko sila.
"Hi mga bebe"bati ko sa kanilang dalawa.
"Mall tayo mamaya bebe malapit na birthday ko eh"sabi sa akin ni Leah.Oo nga pala malapit na Birthday nya.
"Oo nga bebe, tapos gusto mo ba ayusan ka na rin namin"masayang tanong sa akin ni Marielle. Ako aayusan? May pag-asa kaya?
"Hindi na mga bebe mahirao na tong ayusan"nahihiya kong sagot.
"Ano ka ba naman bebe ganda mo kaya kaunting ayos lang,tignan mo oh ang sexy mo kaya"masayang sabi sa akin ni Leah."Sige na please kahit yun na ang gift mo sa akin sa birthday ko"pacute na sabi ni Leah.Tignan mo to' binlackmail pa ko.
"Sige na nga"nahihiyang sagot ko.
"YES!!!!! " masayang sigaw nilang dalawa. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Mamaya daw 1o'clock nila akong susunduin sa bahay.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko nag-iisip isip kung dapat ko na nga bang ayusin ang sarili ko.
Bumaba muna ako at nanood ng tv sa sala.Nakita ko naman si mama na kagagaling lang sa palengke.
"Ako na po mama, pahinga ka po muna"sabi ko kay mama, tumango naman si mama at pumunta sa sala at nagpahinga, pagkatapos kong ayusin ang mga pinamili nya ay tinabihan ko sya at minasahe.
"Salamat anak"sabi nya sa akin habang minamasahe ko sya.
"Mama pupunta po kami sa mall mamaya"sabi ko kay mama.
"Sinong kasama mo anak? "tanong nya sa akin.
"Sila Marielle at Leah po. Malapit na po kasi yung birthday nya. Tapos sabi po nila aayusan din nila ako."matapos kong sabihin iyon ay napabalikwas ng bangon si mama.
"Talaga anak? "gulat na tanong ni mama pero ang saya nya.
"Opo mama"nakangiting sagot ko.
"Kailangan mo ba ng pera? "taning sa akin ni mama at inilabas nya ang kanyang wallet. Pero pinigilan ko sya.
"Hindi na po mama, meron po akong ipon" nakangiting sabi ko kay mama. Pagkatapos naming magkwentuhan ay kumain na kami. At pagkatapos kong kumain ay naligo na ko. Saktong pagkababa ko ay may bumusinang sasakyan.
"Hi bebe ready ka na? "nakangiting tanong sa akin ni Marielle.
"Oo, tara na " nakangiting sagot ko sa kanila.
--------------------------------------------------------------------
Please vote guys
Thank you!
#Amea09
BINABASA MO ANG
Falling for Mr.Casanova
Teen FictionIsang nerd na nagkagusto sa isang Casanova? May pag-asa kaya siya? Magkatuluyan kaya sila?
