Chapter 13

23 3 4
                                    

Alisa's POV

Halos dalawang buwan na rin ang lumipas nung natapos ang kasunduan namin ni Drake. Aaminin nakakamiss din pala sya. Pero wala eh, siguro destiny na rin ang naghiwalay sa aming dalawa. Sino ba naman ako? Hindi naman ako yung Ali na sinasabi nya.


Sa loob ng dalawang buwan na yun ay iba-ibang babae na ang kinakasama nya araw-araw minsan nga eh oras-oras pa. Minsan makikita mo na la g siyang nakikipagmake-out sa likod ng school, sa garden, sa crat kung saan pa. Minsan ako ang nakakakita ng hindi sinasadya at ang iba naman ay iba ang nakakakita. Wala na rin ata sila ni Natasha. Ewan kung anong nangyari sa babaeng yun. Pero lahat ng nagiging babae ni Drake ay inaaway nya o pinapalayo Kay drake.


"Alisa Enriquez nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"


Nasabi ko na rin kay mama na wala na kami ni Drake, hindi ko na sinabi pa ang dahilan.


"ALISA!!!!!!!!" doon lang biglang nagising ang diwa ko.


"H-ha? Bakit?"


"Kanina pa ko nagsasalita dito hindi ka naman pala nakikinig!" nag-aalburoto na sa inis si Leah.


"Ano ba yung sinasabi mo?"


"Ang sabi ko sasama ka ba sa fieldtrip sa isang linggo?" fieldtrip? Mukang masaya pero hindi ko trip.


"Ewan, parang ayoko"


"At bakit naman aber?" umm. Bakit nga ba ayoko?


"Kasi..." paniguradong nandun si Drake.


"Kasi?"


"Tinatamad ako" napabuga naman sa hangin si Leah.


"Yun lang ang dahilan mo?"


"Oo, sapat na sapat na dahilan kaya yun para hindi ako sumama" napairap naman sa hangin si Leah. Habang si Marielle ay tuwang-tuwa sa reaksyon ng mukha ni Leah.


"Anong tinatawa-tawa mo Marielle?" umuusok na yung ilong ni Leah haha.


"Cute mo Bebe hahaha"


"Hindi ako cute noh! Maganda ako!" wew


"Hmmmft! Hahaha" sinamaan naman ng tingin ni Leah si Marielle.


"Hay! Mahahahighblood ako sa inyong dalawa!!!" ngayon ay sabay na kaming napatawa ni Marielle.


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" nagtitinginan na sa amin ni Marielle ang mga tao dito sa canteen pero wala kaming pakialam.



Falling for Mr.CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon