Chapter 12

18 3 0
                                        

Alisa's POV

"Enjoy na enjoy ka dyan bebe ah?" tanong sa akin ni Marielle, mahigit 3 oras na kaming nandito kasama namin si Clifford.

"Oo haha ang saya pala dito hehe" nakakalimutan ko yung mga malulungkot na bagay.

"Tara sa dancefloor ulit tayo this time sama ka samin bebe" tumango na lang ako then pumunta na kami sa dancefloor.

Todo bigay sila Marielle sa pagsayaw. Umalis muna kasi si Clifford at may kakausapin lang daw sya sa telepono. Habang nagsasayawa ako may naramdaman akong humawak sa bewang ko, napalingon naman ako sa lalaking hindi ko kilala. Pero gwapo din sya, bakit ba ang daming gwapo dito?

Sumabay na lang ako sa pagsayaw dala na rin siguro ng kalasingan ko. Minsan bumababa ang kamay nya malapit sa pwet ko. Pero hindi ko na lang pinansin.

Mas lalong naging wild ang mga tao dito sa bar habang palalim ng palalim ang gabi. Pinayagan ako ni mama pumunta dito dahil may tiwala naman daw sya kila Marielle na iuuwi ako ng buo.

"Kanina pa tayo nagsasayaw dito pero hindi ko pa alam ang pangalan mo" sabi ko sa kanya, kanina pa kami dito pero hindi pa rin kami magkakilala.

"Oh, I'm Jervin Evans" oh so Jervin Eva--

"Kaano-ano mo si Clifford?!" napatawa naman sya sa sinabi ko .

"His my brother, older brother" kaya pala familiar at magkahawig din sila.

"Kaya pala magkahawig kayo" tumatango tango kong sabi sa kanya.

"Swerte naman ng kuya ko" napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"Bakit naman?"

"Naunahan nya kong makilala ang Anghel na tulad mo" tss.ang Mais mo kuya.

"Ako? Anghel?"

"Oo anghel na bumaba mula sa langit papunta sa akin. Ibig sabihin nun destiny tayo"

"Hoy huwag mo nga akong isama sa mga kampon ni Lucifer!" napatawa naman sya sa sinabi ko. Totoo naman talaga diba? Si lucifer dating anghel then binaba sya dito sa lupa dahil naging masama sya.

"Hahahaha" tawa ka lang!

"Hindi kasi ako Anghel! DYOSA AKO!  Naiintindihan mo?" mas lalo pang napalakas ang tawa nya, buti na lang at malakas ang sounds, may ilang napapalingon na malapit sa amin. Kaya naman...nakakahiya!

"You are really Cute!" sabi nya habang tumatawa pa din. Hindi nga? Parang sya pa ata ang mas lasing sa amin eh. Inagawan ako ng role! Kaimbyerna!

"Tse!" sigaw ko sa kanya at bumalik na sa upuan ko kanina.

Uminom na lang ako ulit, inistraight ko yung 5 baso ng alak. Ang pait! Pero wala akong pakialam basta umiinom ako tapos!

Nandoon pa rin sila Marielle sa gitna ng dancefloor. Humahataw ang katawan, sanay na siguro talaga sila dito. Hindi ko maimagine na ang dating nerd ay nagliliwaliw kasama ang mga kaibigan nya sa isang bar.

Maya-maya ay nakaramdam na ako ng hilo. Feeling ko naiinitan ako na inaantok. Tinanggal ko na lang muna yung blazer ko.

"Tss. Why are you drinking here alone? You shouldn't go in this place" boses pa lang alam ko na si Drake yun.

"Paki mo ba? Dun ka na sa Natasha mo, nananahimik ako dito"

"Hinatid ko na sya"

"Oh ano pang ginagawa mo dito kung gano'n?!"

"Ihahatid na kita sa inyo"

"No thanks, kila Marielle nalang ako magpapahatid"

Lumingon naman ako kila Marielle pero nag-eenjoy pa rin sila sa gitna ng dancefloor. Mga walang kapaguran! Pero ayaw ko naman silang istorbohin kaya pumayag na akong magpahatid Kay drake. Itetext ko na lang si Leah mamaya.

Falling for Mr.CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon