Alisa's POV
Nagising ako ng 7:00am hindi na pala ako nakapaghapunan.Bumangon na ako at naligo at nagtoothbrush.Pagkatapos kong mag ihis ay bumaba na ko para mag-almusal.Humalik muna ako sa pisngi ni mama at nagsimula ng kumain.Habang kumakain ay biglang nagtanong si mama.
"Kamusta pag-aaral mo nak" tanong sa akin ni mama
"okay naman po mama"sabi ko. Tumango tango naman si mama.
"Anak bakit wala ka pang boyfriend? "sabi ni mama.Bigla naman akong nabilaukan.Buti na lang at inabutan ako ni mama ng tubig.
"Bata pa po ako mama"sabi ko naman
"Sabagay, eh may nagugustuhan ka na ba sa eskwelahan ninyo?"tanong nanaman sa akin ni mama
"Wala naman mama" sagot ko naman sa kanya
"Mag-aral kang mabuti anak ha. Ayaw kong matulad ka sa akin"malungkot na wika ni mama.
"Opo mama, mag-aaral ako ng mabuti"sabi ko, hindi ko na pinahaba pa ang usapan dahil alam kong ayaw pag-usapan ni mama yung tungkol sa tatay ko. Hindi pa sya nakakapagkwento tungkol sa tatay ko.
"Papasok na po ako mama"humalik ulit ako sa pisngi ni mama.
"Mag-iingat ka anak"sabi sa akin ni mama.Ngumiti naman ako at tumango.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa school. Pagdating ko sa room ay nagkakagulo ang mga classmates ko.
"Anong meron? " tanong ko kina Marielle at Leah.
"Lilipat daw ng section dito si Drake"sabay na sabi nila. "Pati rin si Akeisha" pahabol nya pa, halata naman na sinundan ni Akeisha si Drake eh.
"GOOD MORNING CLASS"masiglang sabi sa amin ni ma'am. Kahit naman terror sya hindi naman sya cold ano!
"Meron nga pala kayong new classmate na nanggaling sa kabilang section"sabi ni ma'am at pumasok naman si Drake at Akeisha. Nang makita nila si Drake ay nagtilian ang mga kaklase ko."Please introduce your self mr. At ms"
Sabi ni ma'am sa kanilang dalawa"Hi my name is Akeisha Lopez I'm 19 years old"sabay ngiti sa mga classmates ko
"Hi my name is Dra--" hindi na naituloy ni Drake ang pagpapakilala nya dahil bigla na lang nagtilian ang mga kaklase kong babae
"Kyaaaaaaaaaaaahhhhhhh! "
"Class please be quiet!!! " sigaw ni ma'am at natahimik naman ang lahat sa sigaw ni ma'am "Please continue"
Sabi ni ma'am"Hi my name is Drake Jin Nicholas I'm 19 years old"sabi ni Drake na sobrang lawak ng ngiti.
"Please go to your chairs Mr.Nicholas and Ms.Lopez"tumango naman ang dalawa.
Si Akeisha ay tumitingin pa kay Drake kung saan ito uupo.Maya-maya ay lumingon si Drake sa akin at sa katabi kong upuang bakante.Naglakad na sya papunta dito at naupo. Habang si Akeisha naman ay masama ang tingin sa akin.Umupo na si akeisha sa may bandang bintana.
Nagsimula nang magturo si ma'am hanggang napansin ko na nakikipagholding hands si Drake doon sa katabi nyang babae. Tsk! Malandi talaga tong lalaking to'. Buti na lang at recess na hay salamat.
Napansin ko na may nalaglag na ballpen.
"Pulutin mo mga nerd"sabi sa akin ni Drake.Wala na akong nagawa at pinulot ko na lang kesa mabully nanaman ako.Inabot ko sa kanya ito,kinuha nya naman at hindi manlang nagpasalamat.
"Tara na bebe" yaya sa akin ni Marielle. Tumango naman ako,nakita ko si Akeisha na lumapit kay Drake. Pero hindi ko na lang pinansin.Sinabi ko kila Marielle at Leah na mauna na sila at pupunta pa ako sa CR. Tumango naman sila sa akin. Pagkatapos kong magcr ay papunta na sana ako ng canteen. Nang may makabunggo ako,natumba ako sa sahig samantalang sya ay nakatayo pa rin. Pagkatingala ko ay si Drake pala ang nakabunggo ko.
"Sorry" sabi ko sa kanya, doon ko lang napansin na may kasama pala syang babae ibang babae hindi yung kaholding hands nya kanina.
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaan mo"sabi nung babae sa akin.
"Nagsorry naman ako ah" sabi ko sa kanilang dalawa.
Aalis na sana ako ng may biglang humila sa kamay ko.Pagkatingin ko ay si Drake pala.
"Ganun-ganun na lang yun? " tanong nya sa akin. Nagtaka naman ako sa sinabi nya.
"Huh?"nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Lumuhod ka"sabi nya sa akin
"Bakit naman ako luluhod, nagsorry naman na ako diba"sabi ko sa kanya.
"Hindi sapat yun" sabi nya nanaman sa akin.
"Luluhod ka o magiging laruan kita sa loob ng isang buwan? " nakangising sabi nya sa akin.
"luluhod na lang ako"sabi ko sa kanya.
"Luluhod ka at Halikan mo yung sapatos ko"sabi nya
"Akala ko ba luluhod lang?!! "naiiritang sabi ko.
"Mamili ka na"sabi nya nang ngingisi-ngisi.
"Papayag na ako na maging laruan mo. Ano yang sapatos mo diyos at kailangan halikan??!! "naiinis kong sabi sa kanya.
"Maayos ka naman palang kausap eh"sabi nya sabay tulak doon sa babae at sabay akbay sa akin.
Inalis ko naman ang pagkakaakbay nya sa akin
"Arte mo naman nerd"sabi nya sa akin.
"Yabang mo Mr.Casanova"sabi ko sa kanya.
"Pasalamat ka nga kinakausap ka ng isang tulad ko eh.Kala mo naman kagandahan ka"sabi nya sa akin.
"Hoy kapag gumanda ako Who You ka sa akin!! "galit na sabi ko sa kanya.
"As if naman gaganda ka" natatawa nyang sabi.
"Bahala ka dyan" at iniwan ko na sya doon.
Pagpasok ko sa canteen ay may bigla nalang umakbay sa akin. Kaya napalingon lahat ng tao dito sa canteen. Masama ang tingin sa akin mg mga babae. Lalong lalo na si Akeisha. Si Marielle at Leah naman ay naka 'what's happening look' .
Bigla na lang may humawak sa kamay ko. Aalisin ko na dapat nang higpitan nya ang hawak dito. Sinamaan ko naman siya ng tingin ngunit kumindat lamang ito sa akin.
What the f*ck?!
-----------------------------------------------------------
Please vote guys
Thank you!
#Amea09
BINABASA MO ANG
Falling for Mr.Casanova
Подростковая литератураIsang nerd na nagkagusto sa isang Casanova? May pag-asa kaya siya? Magkatuluyan kaya sila?