Marielle's POV
Nandito na kami ngayon sa mall.Para mamili ng gift para kay Leah. Hindi na nga pala namin isinama si Leah dahil baka makita nya yung na bibilhin ko for her. Pero syempre mas excited ako sa Make up transformation ni bebe lisa.
"Dito tayo bebe"yaya ko kay Bebe lisa.Tumango naman sya sa akin.
Kinausap ko na yung mag-aayos kay bebe lisa.
"Gusto ko pagbalik ko princess na yung face ni bebe ha! "sabi ko at saka lumapit kay bebe lisa.
"Bebe magtitingin lang ako ng magagandang gift ha, maiwan muna kita"nakangiting sabi ko kay bebe lisa. Tumango naman sya sa akin.
"Ikaw ng bahala sa kanya ha"sabi ko dun sa taga-ayos. Tumango at ngumiti naman ito sa akin.
Nagsimula na akong magmartsa papunta sa mga bilihan ng mga regalo.
Alisa's POV
Ayun na nga at sinimulan na akong ayusan.Habang inaayusan ako ay iniisip ko kung anong magiging itsura ko pagkatapos nito. Kung gaganda ba ako o ganito na talaga ako.
Hindi ko namalayan na tapos na pala akong ayusan.
"Yan na madam ganda mo diba kering keri ng super powers ko yan!"masiglang bati sa akin ng bakla na nag-ayos sa akin.
"Where's Bebe lisa? "tanong ng kakarating na si Marielle.
"Hoy bebe! Nandito ako oh? "sabi ko naman grabe naman to' namili lang ng regalo nakalimutan na ako. Mukhang shock na shock ang face ng ate nyo ^o^.
"OH! MY! GOSH! ang ganda ganda mo bebe lisa!!! "sabi nya sabay yakap sa akin. "Mamili naman tayo ng damit mo bebe"tumango naman ako,maglalabas na sana ako ng pera para ipambayad dun sa bakla kaso"Huwag ka ng maglabas ng pera bebe ako ng bahala bayad na"sabi sa akin ni Marielle.
"Nakakahiya naman bebe"sabi ko sa kanya pero ngumiti lang sya sa akin.
"Ano ka ba bebe, friends tayo so huwag ka ng mahiya masanay ka na dahil ako din ang magbabayad ng bibilhin nating mga dress mo. "nakangiting sabi nya "And one more thing, hindi mo na dapat isuot yang eye glasses mo, Contact lense na lang isuot para you look very pretty na. "nakangiting sabi nya. Tumango naman ako. Nagpasalamat muna ako dun sa bakla bago kami lumabas. Pumasok naman kami sa isang boutique.
"Bebe ito oh maganda, I think bagay sayo" sabay abot nya sa akin ng isang na color pink na above the knee na kapag sinuot mo naman ay expose na expose ang balikat.
"Parang maikli naman yan"sabi ko sa kanya.
"Ano ka ba bebe dapat masanay ka na, try mo pleasshhhee" yan ang kahinaan ko eh yang mga pagpapacute nya!
"Sige na nga" sabi ko sa kanya at saka pumasok sa dressing room.Sinuot ko na yung dress na inabot nya sa akin at sumakto naman ito. Lumabas na ako para itanong kung bagay ba.
"Bagay ba? "tanong ko pero hindi pa rin sya nagsasalita. "Sabi ko naman sayo hindi baga---"
"Oh my god ! Bebe ang sexy mo pala talaga tinalbugan mo pa kami ni bebe leah!! You look gorgeous! Bagay na bagay sayo! Promise! "sabi with matching yakap pa. Kumuha pa sya ng iba't ibang dress at pinasuot iyon sa akin. Matapos nyang bayaran lahat ng pinamili namin ay ako naman ang namili ng ipanreregalo ko kay Leah. Pinauna ko na si Marielle sa parking lot. Siya na din daw ang maglalagay ng mga pinamili namin dun sa kotse.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr.Casanova
Teen FictionIsang nerd na nagkagusto sa isang Casanova? May pag-asa kaya siya? Magkatuluyan kaya sila?