Chapter 7- Ethan's Past

667 28 0
                                    

"Jhiaaaaaaa!!!!!" Sigaw ni Hailey habang excited na tumatakbo papunta sa kama ko.

"Aish! Ano bang meron?"

"Ayy ang sungit! Pero ang cute mo haha!"

"Tss."

"Nung isang araw nga pala may nag-iwan nitong box sa labas. Nakakaloka ka ha! Halos araw araw may pamysterious na admirer ka!"

"Box??"

"Oo eto nga oh!" Iniabot niya sa akin ang box na naglalaman ng-- singsing?! Kanino naman galing 'to?!

"Anong gagawin ko dito?!"

"Kainin mo! Gaga syempre susuotin! Uyy alam mo feeling ko galing kay Ethan yan! Yieeee!" Panunukso niya sa akin. "Ayy napansin ko lang... asan pala yung singsing na lagi mong sinusuot?"

"Tinapon ko na. Wala nang halaga iyon."

Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag.

Kuya Jake
Calling...

"Hello Kuya?... a-ano? Sige... b-bye..." Kusang nahulog ang phone ko kasabay ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.

Hindi 'to totoo.

Ayokong maniwala.

Hindi 'to pwedeng mangyari.

Hindi ko kayang tanggaping wala na siya.

Patay na siya.

"Jhia... ayos ka lang?"

"H-Hailey... w-wala na siya..." Sabi ko habang walang tigil sa pag-iyak.







2 months. 2 months ko na siyang hindi napapagmasdan kahit sa malayo lang. 2 months na din ang nakalipas simula nung huli kong makita si Ian.

Miss ko na siya. Alam kong hindi 'to tama dahil kinakalimutan ko na siya pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin siya maalis sa puso ko.

Two months pa lang pero bakit parang ang tagal? Ilang beses kong sinabi sa sarili kong kakalimutan na kita pero bakit ang hirap? Bakit nasasaktan ako eh dalawang buwan pa lang kitang hindi nakikita? Paano pa kaya kapag isang taon na? Dalawang buwan pa lang simula nang nawala ka sa buhay ko...

Bakit ba hindi kita magawang kalimutan, Ian?

Pumatak ang mga ulan kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Naalala ko tuloy nung highschool pa lang kami... akala ko mababasa na ako ng sobrang lakas na ulan pero pinayungan niya ako.

Pero ngayon wala na siya... wala na si Ian sa buhay ko...

Tumingala ako sa madilim na langit. Mukha akong tangang umiiyak habang nakangiti.

"Miss na kita, Ian. Sana kung nasaan ka man, maging masaya ka."

Ang laki ng pinagbago ko simula nung dumating ka sa buhay ko. Ako kasi yung Jhia na masungit at mataray. Mahilig akong mamilosopo at mangbara ng mga tao. Hindi ako namamansin at walang pake sa iba except kina Kristine at Laureen. Hindi ako palangiti. Seryoso at boring ang buhay ko noon.

Pero nung dumating ka, maraming nagbago. Nilagyan mo ng kulay ang madilim kong mundi. Pinasaya mo yung malungkot kong buhay. Pinaramam mo sa akin na importante ako. Pinaramdam mo sa akin yung pagmamahal na sobra sobra. Sayo ko natutunan kung paano magmahal.

Back to December(MFB BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon