Jhia's POV
"Bruhaaa! Gising na!" Agad akong napabangon sa sigaw nina Kristine at Laureen. Aaminin ko, namiss ko yung ganito... Ayy teka! Bakit sila nandito?
"Anong ginagawa niyo dito?"
"Bumangon ka na diyan!" Sigaw ni Kristine.
"Ang agaaga pa eh! Ano bang meron?" Sabi sabay takip ng kumot pero hinila ito ni Laureen. "Ayy teka! Ba't nakaayos na kayo? May event ba?"
"Aahh... p-prenup mo ngayon..." Sabi ni Laureen.
"Prenup?? Ang aga pa ah!Tsaka ba't nakamake up kayo?"
"Ehh... basta!" Haaays! May choice pa ba ako?
Agad akong naligo at nag-ayos. Ilang araw pa lang matapos magpropose sa akin si Ian ah tapos prenup na agad?? Haaays! Bahala na!
Pagkatapos kong maligo ay inayusan na ako ng hairstylist ko.
"Oh eto yung susuotin mo." Sabi ni Kristine habang hawak ang isang wedding gown.
"H-ha?? Eh diba may pamahiin na hindi matutuloy ang kasal kapag sinukat na yung wedding gown??" Tanong ko.
"Jusko Jhia! Naniniwala ka dun??" Tanong ni Laureen.
"Malay mo magkatotoo!"
"Hindi 'yan!" Sagot niya. Wala naman akong nakikitang dahilan para hindi matuloy yung kasal namin kaya susuotin ko na yung wedding gown.
Mabilis lang din akong nilagyan ng make up kaya agad kaming natapos.
"Nasaan nga pala sina Mom?" Tanong ko.
"M-may pinuntahan l-lang kanina nung tulog ka pa..." Sagot ni Kristine. "Tara na!"
"Mas excited pa kayo kaysa sa akin ha!" Sabi ko. "Ayy teka! Tatawagan ko muna si Ian."
"WAG!!!" Sigaw nila.
"B-bakit?"
"Kasi... k-kasi ano... nagdidirive 'yun. Tara na kasi!" Sabi ni Laureen.
"S-sige na nga!"
At dahil marami pang paechos echos ang dalawang 'to, nilagyan nila ako ng blindfold para daw surprise. Haaays!
"Nandito na tayo!" Energetic na sabi nila.
"H-ha?? Eh paano ako bababa?"
"Aalalayan ka na lang namin." Sabi nila. Ayy jusko! Sana hindi ako madapa! "In the count of 10, remove your blindfold, okay?"
1
2
3
4
5
6
BINABASA MO ANG
Back to December(MFB BOOK 2)
RomanceWARNING: Don't read this if you haven't read My Fake Boyfriend ~My Fake Boyfriend Book 2~