Ian's POV
Wedding...
"Oh ayan na pala siya eh." Napalingon ako sa direksyong tinuturo ni Klyde. Agad ko namang natanaw si Jhia sa loob ng bridal car.
Nagulat ako nang biglang nagvibrate ang phone ko.
Fr: Jhia<3
Kahit anong mangyari, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. I love you and I will always love, Ian.
Pumasok na kami sa loob at sinarado na ang pintuan ng simbahan. Isa isang naglakad ang mga ninong, ninang, bridesmaids, groomsmen, flower girls at ring bearer
Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko nang makita kong bumukas ang pinto at naglakad si Jhia. Parang nagslowmo yung paligid.
ANG GANDA NIYA.
Nagsimulang tumugtog ang instrumental version ng Can't Help Falling In Love.
Hindi ko maipaliwanag yung sayang nadarama ko ngayon. Ibang iba yung pakiramdam kapag nakikita mo yung babaeng mahal mo na naglalakad papunta sa'yo at sabay kayong haharap sa altar.
Hindi ko na mapigilang maluha dahil sa sobrang saya. Ito na eh. Sa kabila ng lahat ng mga pagsubok at paghihirap, nandito na kami. Maya maya lang ay magiging asawa ko na siya.
Nang makarating siya sa gitna ay bigla siyang huminto at tumingin sa akin. Umiiyak siya at halatang hindi 'yon dahil sa saya. Umiiyak siya dahil paang may mali.
Parang dinurog yung puso ko nang makita ko siyang tumakbo papalabas.
Bakit Jhia?
Hinabol ko siya pero hindi ko na siya naabutan. Sumakay lang siya sa isang kotse at naglahong parang bula.
Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yon. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Hindi ko alam kung babalik pa siya.
Ginawa ko lahat ng alam kong paraan para mahanap siya pero wala pa rin. Kahit saan ako magpagpunta, hindi ko pa rin siya makita.
Simula nun naging wala nang kuwenta yung buhay ko. Naging miserable. Hindi ko nga alam kung kakayanin ko pang mabuhay nang wala siya.
Isang gabi, nagpunta ako sa bar at uminim. Ganito na lagi ang ginagawa ko. Bakit? Wala lang para lang mabawasan yung sakit na nararamdaman ko.
Makalipas ang kalahating oras ay naisipan ko mang umuwi. Palabas na ako nang may mabangga akong babae.
"Sorr--J-jhia?!"
"I-ian..." Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"Anong ginagawa mo dito?" Walang ganang tanong ko.
"I'm sorry... Ian patawarin mo ako."
"Para saan?"
"Sa ginawa ko--"
"Kinalimutan ko na yung tungkol sa atin kasabay ng paglimot ko sa'yo." Naglakad ako papalayo na parang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
Back to December(MFB BOOK 2)
RomanceWARNING: Don't read this if you haven't read My Fake Boyfriend ~My Fake Boyfriend Book 2~