Jhia's POV
"Oh ba't ganyan ang boses mo? Ang tamlay ha!" Tanong sa akin ni Hailey sa phone. Kasalukuyan akong nasa isang cafe at nagpapatila ng ulan.
"Eh kasi si--"
"Ian na naman?"
"Oo."
"Oh anong meron sa kanya."
"Naalala mo nung isang gabi, nung party..."
"Ha? Eh anong kinalaman ni Ian dun?"
"He was there..."
"W-what?!"
"Ssshhh... hinaan mo nga 'yang boses mo. Ang sakit sa tenga."
"Sorry... oh tapos Anong nangyari?"
"Diba nagsabi ako sa'yo na magrerestroom ako? Ang totoo niyan ay lumabas ako ng hotel."
"Ano namang ginawa mo dun?"
"Naupo lang naman ako sa bench. Gusto ko lang magpahangin dahil-- basta! Tapos biglang nagsalita si Ian na wala akong kamalay malay na nasa tabi ko. Tinanong niya ako ng 'Mahal mo na siya 'no?'"
"Sino? Si Ethan?"
"O-oo..."
"Oh eh anong sabi mo?" Siguro kung magkaharap kami ngayon, titig na titig sa akin si Hailey na parang mukha akong kriminal!
"Syempre h-hindi..."
"A-ano?! I mean... so anong sinabi niya?"
"Kitang kita niya daw yun nung sumasayaw kami ni Ethan at nakita niya rin kung paano ako nasaktan nung nakita kong may ibang kausap na babae si Ethan."
"Alam mo, to be honest, napansin ko rin 'yon."
"W-what?"
"O-oo..." Seryosong sagot niya. "Wala namang masama kung buksan mo yung puso mo para sa iba eh."
"Paano ko naman bubuksan ang puso ko para sa iba kung siya pa rin ang laman nito?"
"Siya pa rin ba talaga? Jhia, 'wag kang magbulagbulagan sa katotohanan na may pag-asa pa kayo. Ikaw lang din ang mahihirapan."
"Oo alam ko 'yon pero..."
"Eh ano bang sabi niya pagkatapos mong sabihing hindi?"
"M-masaya daw s-siya kasi nakapagmove on na ako at b-binuksan ko na yung puso ko para sa i-iba... which is not t-true. Kahit anong gawin ko s-siya pa rin..."
"Minsan may mga bagay ayong dapat bitawan para hindi tayo masaktan."
"Pero paano ko 'yon gagawin kung pinaramdam niya sa aking may pag-asa pa?"
"A-ano?"
"Nung sinasabi niyang masaya siya para sa akin, hindi ko alam kung bakit pero ang lungkot ng tono ng boses niya..."
BINABASA MO ANG
Back to December(MFB BOOK 2)
RomanceWARNING: Don't read this if you haven't read My Fake Boyfriend ~My Fake Boyfriend Book 2~