Chapter 17- Sacrifice

730 33 4
                                    

Laureen's POV

"Hon, kumalma ka nga diyan." Sabi sa akin ni Lucas. Hindi ako mapakali. Kanina kasi galing ako kina Hailey tapos wala sila. Tinawagan ko yung phone nilang dalawa pero walang sumasagot.

"Masama yung kutob ko eh."

"Baka naman kasama niya yung kaibigan niya."

"Si Ethan? Hindi niya daw alam kung nasaan yung dalawa. Palagay ko talaga may masamang nangyari sa kanila eh."

"Relax. Tinext ko na si Klyde. Ayy eto nagreply na siya."

"Anong sabi??" Agad akong lumapit sa kanya para makita ang text message.

"Hindi daw nila alam. Si Ian din daw kanina pa nawawala. Hinanap nga daw sa kanya ni Ate Ivy eh."

"Ano?! Eh diba may duty si Ian?"

"Oo pero wala daw doon."

"Shit!" Sabi ko nang makita ko ang message ni Ate Ivy.

"Bakit?"

"May nakita raw si Ate Ivy na address sa phone ni Ian. Palagay ko magkakasama sila. Isesend niya na lang daw sa atin yung address."

Iniwan muna namin si Lexine kay Mom at agad kaming pumunta sa binigay niyang address.

Medyo malayo layo yung address na pinuntahan namin. Malaki ang bahay pero halatang luma at abandonado na. Wala rin itong mga katabing bahay. May malaking bakanteng lote rin sa likod.

Naabutan namin sina Ate Ivy, Kuya Jake, Kristine, Klyde at Ethan na nasa labas ng bahay. Naroon din si Chris, yung batch mate naming naging kaibigan ni Hailey.

"Sigurado ba kayo rito?" Tanong ko.

"Oo." Sagot ni Ate Ivy.

"Sinong nagsend ng message kay Ian? At bakit naman kaya niya pinapunta si Ian dito?" Tanong ko.

"Hindi ko alam kung sino. Number lang ang nakalagay at nung sinubukan kong tawagan ay walang sumagot." Paliwanag niya.

"Uh guys... mukhang kay Ian 'tong wallet na 'to?" Sabi ni Chris habang nakaturo sa isang wallet.

"Paano mo naman nalaman?" Tanong ni Lucas.

"Uhm... nandito yung mga cards niya."

"Oo kay Ian nga 'yan." Sabi ni Ate Ivy. "Nandito nga sila."

Papasok na sana kami sa loob ng bahay nang magring ang phone ko. Tumatawag si Jhia!

"Hello Jhia! Nasaan ka na ba?"

"Hahaha!" Narinig ko ang halakhak ng isang babae kaya niloud speaker ko ito.

"Aira?! Walang hiya ka! Anong ginawa mo kina Jhia!" Hindi na ako nagulat nang sumagot si Aira. Alam ko nang buhay siya dahil sinabi ni Kuya Jake.

"'Kina' agad? Masyado ka namang mapangbintang na ako ang may kasalanan sa pagkawala nina Hailey at Ian but.. you're right haha!"

"Nasaan sila?!"

"Hailey and Ian are with me while Jhia... I'm sorry but--"

"What the f*ck did you do to her?!"

"She's dead. What the f*ck did I do to her? Wala naman. Hindi naman masyadong malala. I just burried her... uh.. somewhere! Hahaha!"

"Heartless bitch!"

Back to December(MFB BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon