Chapter 14- Alive

602 27 0
                                    

Jhia's POV

Kasalukuyan akong naglalakd ngayon papuntang mall. Kakapark ko lang kasi sa parking lot. Pinuntahan ko kasi si kuya sa bahay eh kaso sabi nung maid namin umalis siya. Wala na rin si manang. Ano pang sense ng pagpunta ko kung wala rin naman sila? Ayoko namang bisitahin sina mom at dad dahil alam kong hanggang ngayon galit pa rin sa akin yun. So ayun, ang ending is nagmall na lang ako! Haaays!

Nang makapasok ako sa mall, agad akong naghanap ng restaurant na kakainan. Hindi pa kasi ako nagbebreakfast.

Sa totoo lang, hindi rin ako makatulog ng maayos dahil may bumabagabag sa isipan ko. Una, yung kay Ian. Pangalawa, si Ethan. Hindi pa kami nag-uusap simula nung nakita niyang magkasama kami ni Ian. At pangatlo,

Posible kayang buhay pa siya?

Ugh! Feeling ko masisiraan na talaga ako ng ulo! Jusko! Baka mabaliw pa ako! Daig ko pa ang mga pulis sa pag-iinvestigate!

Pagkatapos kong kumain ay nagpunta ako sa CR para maghugas.

Isang malansang amoy agad ang bumugad sa akin pagpasok ko sa CR. Mabaho talaga yung amoy as in sobrang nakakasulasok! Nagtataka ako kung bakit ganon kasi ako lang naman yung tao.

Pumunta ako sa sink para maghugas. Inangat ko ang ulo ko at napatingin ako sa salamin na may dugo na nakasulat

I AM ALIVE

Nanginig ang buong katawan ko. Nabalot ako ng takot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya tumakbo ako papalabas ng CR.

Nagmadali akong kunin ang kotse ko at lumabas ng mall. Kailangan kong makita si kuya ngayon. Delikado. Mapanganib. Kailangang mag-ingat kami dahil malakas ang kutob kong buhay siya at nagmamatyag siya sa lahat ng kilos naming.

Habang nagdidrive ay kinapa ko ang phone ko para matawagan si Kuya. Halos mauntog ako sa lakas ng pagpreno ko. Inihinto ko muna ang kotse ko sa gilid ng daan at bumaba dahil parang nakita ko siya.

Hindi ako pwedeng magkamali... siya 'yon. Sinundan ko siya pero parang bula lang siyang naglaho. Tatawagan ko sana si Kuya kaso biglang-- UGH! NASNATCH YUNG PHONE KO!

T*ngina naman oh! Buwiset! Kung kalian kailangan doon nawa--

Nagulat na lang ako nang biglang may humila sa akin dahil muntik na akong masagasaan at dahil sa lakas nun ay napayakap ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero sa mga oras na 'yon, nawala yung takot at pangambang nararamdaman ko. Pakiramdam ko tumigil yung pag-ikot ng mundo ko at kaming dalawa lang ang tao rito.

I admit... I miss this... I miss the feeling when your arms were wrapped around me.

Kumalas na ako sa pagkayakap nang makabalik ako sa reyalidad... reyalidad na nagsasabing hindi kami para sa isa't isa.

"S-sorry..." Nahihiyang sabi ko dahil sa aksidenteng pagkayakap.

"Mag-iingat ka. Hindi sa lahat ng oras ay nandito ako para iligtas ka." Tumango ako.

"Thank you, Ian." Tumango lang din siya at naglakad papalayo.

Pinapunta ko si Kuya sa bahay ni Hailey. Wala akong phone kaya kailangan kong hintayin si Hailey paar makatawag.

Back to December(MFB BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon