Chapter 12. I'll protect you

24.4K 446 11
                                    

“Unknown number calling..”

“Hello si Kate to..” sabi ni Kate sa kabilang linya

“Hello, anu sana yun? “ tanong ko

“Napag-isipan mo na ba yung offer? Tinatanong kasi ng photographer sakin.” tanong nya

“Kate, I’m not yet ready eh, tatawagan nalang kita pag lumuwag na yung sched ko okay?” sabi ko

“Okay thank you bye..” paalam nya

“Okay bye..” I said

-

Pagdating ko sa bahay nagpahinga ako saka ako gumawa ng mga take home activities. Nalaglag yung scrapbook sa table kaya kinuha ko, hindi ko maiwasang ngumiti habang tinitingnan ang mga pictures nya dahil yung babaeng dating pinapangarap ko lang, nakakasama ko na…

 

11 ng gabi ng October nang may nareceive ako na tawag.

“Nicole calling…”

“Hello Lem..” boses ni Nicole

“Nicole napatawag ka, musta?” tanong ko

“Lem, pwede mo ba kong sunduin sito samin ngayon?” tanong nya

“Huh bakit may problema ba?” gulat kong sabi

“Late na kasi ako nakauwi from Fria’s party, nakalocked na yung gate, ayaw na akong pagbuksan ni tita..” paliwanag nya

“Teka hintayin mo ko okay?” sabi ko

Ginamit ni kuya yung motor kaya naman nagpaalam ako kay mama na magtaxi dahil susunduin ko si Nicoel sa kanila, nung una ay hindi sya pumayag pero kinalauan ay pumayag na rin sya dahil sinabi kong kaya ko naman ingatan yung sarili ko.

Wala pang 15 minutes ay nasa tapat na ako ng bahay ni Nicole. Nakaupo sya sa gilid na parang nasusuka.

Pagkababa ko nang taxi ay agad ko syang pinuntahan.

“Bakit naglasing ka? halika na nga..” sabi ko habang inaalalayan sya

Sensya ka na umuwi na ang mga friends ko kaya ikaw yung naisipan kong tawagan.” Sabi nya na tila naduduwal habang naglalakad

“Okay  dahan dahan lang.” sabi ko

“Dapat maghohotel ako pero di ko na kayang magpunta pa sa sobrang hilo.” lasing nyang sabi

Pumara ako ng taxi, lasing na lasing si Nicole kaya nakatulog sya sa kandungan ko. Pagkababa namin ng taxi ay inalalayan ko siya papuntang sala saka siya ipinakilala kay mama.

Nakatulog si Nicole kaya daman dinala ko na sya sa kwarto para makapagpahinga.

“Oh anak pahiramain mo muna ng masusuot yung kaibigan mo.” sabi ni mama

“Sige ma.” Inihiga o si Nicole sa kama saka kumuha ng malamig na bimpo saka pinunasan sya at pinalitan yung damit nyang puno ng suka habang mahimbing syang natutulog.

Napuyat ako kaya naman natulog ako ng mahimbing lalo na’t katabi ko sya.

--

Habang natutulog ako ay nagising ako sa malakas na ingay ng jeep sa tabi ng daan.

Nakita ko si Nicole na hawak hawak yugng scrapbook ko na punong puno ng mga litrato nya at mga notes na sinulat ko para sakanya. Nagulat ako habang tinitingnan ko sya habang binubuksan yung scrapbook.

Faking It (girlxgirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon