Chapter 15. Jealousy

23.1K 461 25
                                    

11:20 am na nung nagpunta ako sa school para kunin yung Final grades ko at para na rin kausapin si Nicole about sa nangyari last night. I want to say sorry to her kasi hindi ako makatulog sa sobrang pag-alala sakanya. Pano pag tuluyan nya kong iwasan? ;-(

Nagpunta ako sa rest room para magpalit ng college shirt dahil wala naman nang pasok, tapos na kasi yung sem. Isang semester na lang graduate na kami saka ako mag-OOJT.

"Nicole, don't tell me nahuhulog ka na sa Lemery na yun?" sabi ng isang pamilyar na boses ng babae sa may mirror ng restroom

"Eww gross! kahit kailan hindi ako mahuhulog, kahit sya na lang yung nag-iisang tao sa mundo hindi ko kakayanin girls." boses ni Nicole

"Oo nga, maganda pa naman sya ewan ba at babae din ang gusto nya hahaha, nakakadiri!" dagdag pa ng kaibigan nyang si Fria

"Palabas lang yung lahat mga girls at malapit ng matapos ang lahat, chill." sabi ni Nicole

Hinintay ko muna silang lumabas bago ako nakalabas ng cubicle. Hindi ko mapigilang tumulo ang mga luha ko sa mga narinig ko.I never thought na ganun pala yung impression ni Nicole sakin. ;-(

Ilang araw na lang ng signing of clearance kaya pumapasok pa rin ako sa school. Pilit kong iniiwasan si Nicole pero bigla kong naalalang naiwan nya pala yun I.D nya sa bag ko nung outing.

Pauwi na sana ako nung naisip kong iwan nalang sa guard nila yung I.D nya.

Pagkadating ko sa tapat ng bahay nila ay nakita kong may kasama syang lalake at kakasakay lang nya ng kotse ng sumundo sakanya.

"Oh Lem..ano yun?" sabi ni Nicole habang binubuksan yung isang window ng car

"Ahh..yung ID mo naiwan mo sakin, isosoli ko lang sana." sabi ko

"Thank you, iwan mo na lang sa guard, bye." sabi nya

-

"Kuya, iwan ko nalang yung ID nya, boyfriend nya kuya?" sabi ko kay guard

"Nanliligaw yata eh, magde-date daw.." sabi ng guard sakin

"Okay sige alis na ako." sabi ko

Habang pauwi ako ay parang babagsak na yung mga mata ko sa selos na nararamdaman ko. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang. Naaalala ko nga pala, hindi ko sya pag-aari at imposibleng maging akin sya.

Faking It (girlxgirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon