Chapter 4. Role Play

27.1K 512 9
                                    

Lemery's POV

Friday ngayon kaya naman excited ako na makasama si Nicole next class sa Economics. Makalipas ang ilang sandali ay dumerecho na kami ni Anne sa room 405. Mula sa hallway ay nakasalubong ko si Nicole na dala dala ang activity sheet saka siya umupo sa pinakadulong upuan na naka-assign sakanya dahil alphabetical ang seat plan at "Young" yung surname nya.

"Good morning class, raise your hands if you're on group 1....group 2,---group 8, okay so today we are going to tackle about Economic development, as I said last meeting,you are all going to perform a role play by group of each assigned topic to you relating to Economics." the professor explained.

Sinimula kong magnarrate bilang narrator ng group 1 kaya naman medyo nahihiya ako dahil nakatingin at nakikinig si Nicole sa play namin. Hindi ko alam kung bakit pero namumula yung mukha ko at nauutal ako sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatitig saakin. Makalipas ang ilang minuto ay natapos rin ang group 2 saka nagsipuntahan ang group 3 o grupo nila Anne at Nicole sa harap. "Boss" yung role ni Nicole at panay ang titig ko sakanya mula sa kinauupuan ko saka nagsitinginan saakin ang mga kaklase ko at sabay sabi ng '

"Ayiiiieee....Lem Uyyyy..namumula oh." sigaw ng isa kong kaklase.

Lalo akong namula nung tiningnan ako ni Nicole habang umaacting sa harap ng klase, pagkatapos nilang mag-role play ay nagsipalakpakan kaming lahat. Ang talented ni Nicole, kaya hindi na ako nagtaka kung bakit ako baliw na baliw sakanya. :'-)

Pagkatapos ng play nila ay dumerecho na si Nicole sa upuan nya. Tinititigan ko sya at nagulat ako nung bigla siyang lumingon at tumingin din sakin kaya bigla kong tinanggal yung pagkakatitig ko sakanya dahil nahihiya ako dahil siguro nararamdaman nyang may gusto ako sa kanya dahil sa pagkakantyaw ng mga kaklase ko. Nakakahiya >,< gusto kong kutusan si Anne pero wala na kong magagawa >,<

"Class dismiss." sabi ni Ma'am Ramirez saka nagsitayuan at umalis na kami ng mga kaklase ko mula sa room

"Lem, teka lang may ikukwento ako sayo maya-maya." sabi ni Anne na nakangiti

"Anu ka ba naman Anne, nakakahiya kanina baka nalaman na Nicole na gusto ko siya >,<" sabi ko

"Makinig ka, ayos lang yun mabait naman si Nicole kahit tahimik lang yun, mabait sya kaya chill ka lang." paliwanag ni Anne

"Naiilang na tuloy ako hayyy." nag-aalala kong sabi

"Tara na at kumain, wag mo nang isipin yun gutom lang yan." sabi ni Anne habang papalakad kami papuntang cafeteria.

"Nga pala ano pala yung sasabihin mo?" tanong ko kay Anne

"May boyfriend na ako, kami na ni Ralph." kinikilig na sabi ni Anne

"Hoy anong joke yan te?" sabi ko habang nakakunot yung noo

"Gaga totoo to, kami na papunta na sya, andito na pala eh, oh hi baby!" bati ni Anne kay Ralph na papalapit samin, na syang kinagulat ko

"Hi girls, may I join you?" sabi ni Ralph habang nakangiti

"Sure." nakangiti kong sabi

"Ralph si Lemery,bestfriend ko. Lemery si Ralph,boyfriend ko." pagkilala ni Anne samin ni Ralph sa isa't-isa

Matagal nang crush ni Anne si Ralph kaya naman gulat ako nung nalaman kong sila na, ewan ba sa bestfriend ko medyo malandi eh. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa magdyowa na isasubmit ko muna yung design ng lanyard sa Accountancy Department.

Faking It (girlxgirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon