Chapter 14. Overnight

23.4K 437 3
                                    

Isang linggo din ang nakalipas at Final Examination week na. Medyo mahirap yung departmental exam pero sa awa ng Diyos marami namang lumabas galing sa mga ni-review ko.

3 days lang yung examination namin kaya naman napag-usapan din namin magkakabigan ang malapit na overnight sa Wednesday.

"Uy Lem, wag nyo kalimutan sa Wednesday ha, sa Acapulco beach tayo mag-oovernight." sabi ni Ivan sakin

"Oo alam ko, anong oras tayo magkikita kita?" tanong ko

"Maaga, susunduin naman namin kayo basta magready ka na lang." sabi ni Ivan

Tinawagan ko si Anne kung sasama sya samin pero ang sabi niya monthsary daw nila ng boyfriend nya.

-

Wednesday ng umaga nung sinundo ako ng van na inupahan ng mga kaklase ko.

"Lem, tara !" nakangiting tawag sakin ni Daphne na gf ni Ivan.

"Oo saglit lang.." sabi ko habang kinukuha yung bag kong puno ng mga damit

Pagkasakay ko sa van ay mahimbing na natutulog si Nicole sa likod. Gusto ko mang tabihan sya pero puno na rin ang upuan dun kaya naman sa gitnang seat nalang ako naupo sa tabi ng window.

Ang iingay ng mga kaklase namin kaya naman naisipan kong mag-earphone na lang muna. Napansin kong kasama pala namin sa overnight si Jam na nakaupo sa tabi ni Gio at busy sa pakikipag-usap sa iba pang kasama namin.

"Babe..." tawag ni Nicole na tila kagigising lang.

"Tara dito sa likod." aya nya sakin

"Ayiieeee.." sarap kantyaw ng mga kaklase namin saka tumingin si Jam samin

Tumabi ako sa kanya sa likod ng van saka sya humiga sa balikat ko. Sa sobrang kaba ko ay halos hindi na ako makagalaw, ang bango bango naman kasi ni Nicole, ang sweet pa. ;-)

3 oras bago kami nakarating sa Acapulco beach, inibaba na namin yung mga ingredients pang ihaw mamaya, speakers, at iba pang mga gamit saka kami nag-ambangan for the cottage.

Ang init ng panahon kaya naman yung iba naming mga kaklase ay nauna ng mga-swimming habang kami naman ni Nicole ang naiwan sa cottage.

"Ang init ano, mamaya na lang ako maliligo." natatamad nyang sabi

"Ako din, mangingitim tayo neto...kunsabagay, overnight naman." sabi ko

Mula sa di kalayuan, tinitingnan kami ni Jam..

Habang kumakain si Nicole ng fruit salad ay sinubuan nya ko, sinadya nya yung para makita ni Jam.

5:30 na ng hapon nung nag umpisa kaming mag-ihaw ng barbeque habng yung iba naman inuumpisahan nang mag-shot habang nagpapatugtog ng sound system na dala nila.

Unti-unti na ding lumalamig dahil gabi na, kaya naman gumawa ng bonfire ang mga lalake naming mga kasama at napag-isipan naming mag spin the bottle then "Truth or dare" kung sinong napili.

Habang iniikot yung bote, di ko inaasahang saakin hihinto yung bote.

"So Lem, Truth or Dare?" tanong ni Ivan

"Truth..." sabi ko

"Boring naman, open si Lem satin kaya naman dare naman yung kanya." sabi ni Daphne

"Oo nga.." sabi ng ibang mga kasama namin

"So dare na lang..." sabi ni Ivan"

"Okay.." kinakabahan kong sabi

"If you really love Nicole, why won't you kiss her for 5 seconds?" request ni Janelle

Sabay sigawan at tili ang mga kasama namin na lalong nagpakaba sakin. Tiningnan ko si Nicole saka siya tumango ay uminom ng isang baso ng wine.

Nilapit ko yung mukha ko sa kanya,pinikit nya ng mga mata nya saka ko siya hinalikan for five seconds.

Lumakas yung tibok ng puso ko, lalo yata akong mahahalatang may gusto ako sa kanya kaya namumula ako sa kaba.

"Cheers." sabi ng mga kasama ko sabay taas namin ng mga baso ng wine at uminom

Ang sama ng tingin ni Jam sakin. Sinubukan kong hawakan yng kamay ni Nicole pero tinatanggal nya ito. Siguro nagalit sya sa ginawa ko pero nung tinanong ko say sabi nya okay lang daw.

After naming maglaro ay natulog na kami sa may cottage at yung iba naman ay sa may mga dala nilang tent.

7am na nang umaga nung ginising kami ni Gio para hatirin na kami pauwi.

Hindi kami magakatabi ni Nicole this time, nasa front seat sya katabi ni Daphne at mukhang busy makipag-usap samantalang nasa likod ako at naka earphone. Feeling ko galit sya sakin kaya nahihiya na akong i-approach sya... ;-(

Paghatid sa akin sa bahay ay agad akong dumerecho sa kwarto at humiga, sa tuwing naiisip kong galit sya sa ginawa ko kagabi tinitingnan ko na lang yung bigay nyang bracelette sakin...

Gusto kong sabihin sa kanya yung tunay na nararamdaman ko para sa kanya pero sa tingin ko hindi pa ito yung tamang panahon..

Faking It (girlxgirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon