Chapter 1. The girl I like

45.9K 745 59
                                    

"Eeww kahit kailan hinding hindi ako papatol kay Lem, palabas ko lang yun para di na ko kulitin ni Jam." narinig kong sabi ni Nicole sa rest room na parang echo na paulit ulit kong naririnig.

"Patay na patay sayo yun eh, maganda naman sya yun nga lang babae din yung gusto haha." dagdag pa ng kaibigan nyang si Fria

"Hahaha! alam kong matagal na nya kong gusto pero no way, there's no way na magkakagusto ako sa kanya maguho man ang mundo." natatawang sabi Nicole 

Hindi ko akalaing ang sakit ni Nicole magsalita kaya hindi ko napigilang tumulo yung luha ko, hinintay ko muna silang lumabas sa rest room dahil hindi nila alam na nandun ako at narinig ko lahat ng mga sinabi nila tungkol sakin.

--

Lemery Gomez ang pangalan ko, Lem ang tawag nila sakin. Isa akong Accountancy student sa isang sikat na unibersidad sa Manila bukod dun ay isa akong scholar. Isang openly bisexual ako at isa akong advocate ng LGBT rights sa aming paaralan. 

Si Nicole Young naman ang isa sa pinakasikat na sa University, bukod kasi sa katalinuhan nya and being the Student Council President eh sumasali pa sya sa mga beauty pageants.Sa totoo lang maraming nagkakagusto sakanya dahil nga beauty and brains sya. Ano ba naman ako sa dami dami ng mga manliligaw nya at isa pa babae ako at sa pagkakaalam ko ay straight sya at may boyfriend. 

Hanggang tingin lang ako sakanya tuwing uwian.Sa katunayan lang eh di naman nya ako kilala. Siya lang yung nag-iisang crush ko, oo ngayon pa kung kelan nasa kolehiyo ako ngayon lang ako nagkagusto sa isang babae, ang masaklap dun pinapangarap ng lahat kaya okay na sakin to masaya na akong nakikita sya araw-araw sa school. :-)

Faking It (girlxgirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon