Chapter 29. I will be here

21.8K 367 4
                                    

Nicole's POV

Nanghina ako nung napanuod ko sa balita na idinala sa hospital si Lem kaninang hapon kaya naman pagkatapos ng training ko ay agad ko syang pinuntahan sa hospital.

Habang papunta sa room kung san sya nakaconfine ay nakasalubong ko ang kuya nya.

"Kuya,kamusta na pala ang pakiramdam ni Lem?"tanong ko

"Di pa rin okay,dapat daw muna siyang obserbahan nang ilang mga araw sabi ng doctor."sabi ng kuya ni Lem

Pagkapasok ko sa private ward ni Lem ay nadatnan kong naka-oxygen mask sya at natutulog sya.

Nakausap ko ang nanay niya at sinabi nya sakin na may Coronary Artery Disease si Lemery.

Di ko nakayanang tingnan sya sa ganung kalagayan kaya lumabas muna ako ng ward. Ilang oras ang lumipas at dumating si Ernice na may dalang pagkain kasama ang kaibigan nitong si Kate na dating schoolmate ko.

Narinig kong nakausap ni Ernice ang doctor. Maaari raw ma-stroke si Lemery pag di na agapan ang sakit nya. Naging emosyonal si Ernice habang tinitingnan si Lem.

Maya-maya lang ay di ko inaasahang lalapit si Ernice sakin.

"Ingatan mo siya,hanggang ngayon ay mahal ko pa rin sya...wag mo na syang sasaktan.."sabi ni Ernice na ikinagulat ko

"Oo,hindi ko sya sasaktan...may alam ka ba tungkol samin?"tanong ko

"Oo, kahit wala na kami ay patago ko pa ring dinadalaw si Lem pero tinigilan ko na sya nung nakita kong masaya syang kasama ka."sabi ni Ernice

"Hayaan mo,mapapatawad ka din nya."sabi ko

"Sige alis na ko pakasabi na lang na dumalaw ako paggising nya."sabi ni Ernice saka nagpaalam at umalis

-

"Nicole,ikaw na muna dito ha kukunin lang namin ang mga kailangan ni Lem."bilin ng nanay ni Lem saka umalis

Pagbalik ko sa ward ni Lem ay humiga muna ako sa sofa. Maya maya pa lang ay pansin kong dumating ang mga Respiratory Therapists para alisin ang oxygen mask ni Lem at saka nila ito pinalitan ng oxygen tube para makakain si Lem ng maayos pagkagising nya.

Hindi ako makatulog ng maayos kaya umupo ako malapit sa bed nya.

Hinawakan ko ang kamay nya habang nagdadasal na sana gumaling sya agad nang di sya mahirapan. Naiiyak ako na makita sya sa ganyang sitwasyon.

Lem's POV

Nagising ako nung pinalitan ng nurse ang dextrose ko. Naibsan ang sakit na nararamdaman ko nung makita kong nakayukong nakatulog si Nicole sa upuan nya malapit sakin.

"Gising ka na pala."sabi nya na kakagising lang

"Nagugutom ako."sabi ko

"Wait kukunin ko muna yung food mo."sabi ni Nicole saka ako sinubuan

"Asan sina mama?"tanong ko

"Kumuha lang ng mga gamit,babalik din sila mamaya."sabi ni Nicole

"Salamat ha.."nakangiti kong sabi

"Magpagaling ka okay?yun lang yung mahihiling ko sayo."sabi ni Nicole na halatang antok pa

"Sige matulog ka muna,napuyat ka ata."sabi ko

"Ubusin mo muna tong pagkain."saka ako ulit sinubuan

Di rin nagtagal at dumating din sina mama at kuya kaya nagpaalam muna si Nicole para umuwi at magpahinga dahil may training pa sya bukas.

Dumalaw din pala kanina sina Ernice at Kate nung natutulog ako pero tingin ko ay napatawad ko na siya kaya okay lang sakin.

Dumating din ang manager kong si Jen na para ipaalam sakin na sya na ang bahala na humarap sa media tungkol sa kalagayan ko ngayon.

--

Ilang araw pa ang lumipas at lalong tumitindi ang sakit na nararamdaman ko,hindi na siguro ako nakakahinga pa kung walang oxygen nakakabit sakin.

Nahihirapan ako pero pilit ko pa ring kinakaya as long as nandyan ang mga taong nagmamahal sakin.

Pang apat na araw ko nang naka-confine nung napagpasyahang ilipat ako sa ICU para sa open heart surgery. Natatakot man ako ay nilakasan ko ang loob ko kung hindi ay maaring lumala ang sakit ko na maari kong ikamatay.

-

Nicole's POV

Hindi ako pumasok sa training ngayon dahil gusto kong bantayan ang kalagayan ni Lemery lalo na't naka-schedule sya ngayon for surgery.

Tinulungan ko syang magpalit ng patient's gown saka inabot sakin ng nurse ang bracelette na binigay ko kay Lem na kakatanggal lang nya dahil bawal ito during operation.

Taimtim akong nagdasal habang dinadala na sya sa ICU. Di kasi pwedeng pumasok ang mga watcher sa loob dahil restricted ang area.

Habang ilang oras syang hinihintay ay kinakabahan pa rin ako sa mga posibleng mangyari. Di nagtagal ay dumating sina Anne saka tinanong sakin ang lagay ni Lem.

Makalipas ang 6 na oras ay natapos na ang operasyon nya kaya nakahinga ako ng malalim nung malaman kong okay naman yung surgery. Hinatid ng mga nurse si Lem sa ward dahil kailangan daw nito nang sapat na tulog.

"Doc kamusta na po ang lagay ni Lem?"tanong ko

"I'm happy to say that the surgery was successful but she needs to be observed for a few more days for her recovery.."nakangiting sabi ng doctor

"Thank you po."nakangiti kong sabi

Sa hospital na rin ako nagpalipas ng gabi. 7 a.m. nung nagising ako at pansin kong tulog pa din si Lem kaya hinalikan ko sya sa noo saka ako umalis para magpunta sa training.

A/N: When I'm with you by Faber Drive

Faking It (girlxgirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon