Chapter 24. Need you now

20.5K 371 7
                                    

Lem's POV

5:07 ng umaga nung naisipan namin ni kuya papunta sa isang pinakamalapit na Sports Complex.

Sabi kasi ng fitness instructor ko ay kailangan kong i-maintain ang physical fitness ko kaya naman ginawa ko nang part ng daily routine ko ang pagjajogging and pagwowork-out at least thrice a week.

Maluwag na ang schedule ko kaya naman after namin magjogging ni kuya ay nagpahinga muna kami at umuwi,balak ko kasing magpunta sa shop ko sa mall mamaya.

Naligo muna ako at nagbihis nang biglang dumating si Ernice sa bahay.

"Babe."bati nya sabay akap sakin

"Oh bakit ngayon ka lang?"natatampo kong sabi

"Busy kasi sorry na please? may lakad ka yata."sabi nya

"Hmmp lagi ka namang busy eh. Oo pupunta ako ng shop."sabi ko

"Hahatirin na kita."sabi nya sabay tingin sa mga mata ko

"Hindi talaga kita matanggihan,sige na nga.."pakipot kong sabi saka ngumiti

"I love you so much."sabi ni Ernice

"I love you more."sabi ko saka nya ko kiniss sa lips

"ringg....ringgg...ringg..."

Nagring ang cellphone ni Ernice kaya nagpaalam muna sya para sagutin ang tawag saka nagpunta sa garden.

Makalipas ang ilang minuto ay tinawag na nya ko para hatirin sa shop.

"Sakay ka na baby."tawag nya sakin saka inistart yung engine ng kotse nya

"Okay wait."pagmamadali kong pagbukas ng pinto ng sasakyan saka sumakay at nag-seatbelt

"Sino yung kausap mo kanina sa phone?"tanong ko

"Wala yung boss ko lang bakit?"sabi nya

"Wala..."sabi ko

"Bakit? nagseselos ka ba?"sabi ni Ernice habang nagdadrive

"Hindi ah,bakit may dapat bang pagselosan?"sabi ko

"Wala ah,ikaw lang mahal ko kaya magtiwala ka sakin okay?"sabi nya

"Okay."sagot ko

Maya-maya pa lang ay nakarating na kami ni Ernice sa mall.

Naka-cap at shades ako para hindi ako makilala ng mga tao pero may iilang tao pa rin na narecognize ako kaya hinayaan ko na lang na magpapicture sila sakin at nagsign ng mga autograph nila.

Pagkapunta ko sa shop ay nakita kong maraming customers ang bumibili kaya binati nila ako at nagpapicture ulit sakin.

"Insan ilang weeks pa lang yung shop mo pero andami mong customers."sabi ng pinsan kong si Mika na isa sa mga kinuha kong sales staff

"Salamat talaga,kung wala kayo it won't be possible na maging ganito ka okay yung business ko,hayaan nyo ititreat ko kayo next time pag di na ako busy."sabi ko

"Babe,mas nakakatulong yung endorsement mo kasi kilala ka na ng mga tao."nakangiting sabi ni Ernice

"Okay sige insan at Ernice,kami nang bahala dito ingat kayo okay."sabi ni Mika

"Oh sya ingat din kayo alis na muna kami."paalam ko

Saglit lang kaming dumalaw sa shop saka kami nagpunta ni Ernice sa isang Restobar sa Pasay City.

Faking It (girlxgirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon