Chapter 10. Far away

23K 474 9
                                    

Alas singko na nung nakarating ako sa bahay. Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko sa sobrang saya, kahit kailan siguro ay hindi ako mapapagod na magpanggap bilang girlfriend nya.

Kinabukasan ay wala akong pasok dahil Business Administration Department day pero pumasok pa rin  ako para kay Nicole :-)

9am nung nagpunta ako sa school saka dumerecho sa mezzanine ng gym. Dun ko nakita si Nicole  kasama ang tatlo nyang kaibigan papunta sa pool. Nakita nya ako pero hindi nya ako pinansin.

Kalahating oras pa lang silang nagpapraktis ay hindi pa rin ako pinapansin ni Nicole. Mukhang wala siya sa mood kaya iniwan ko na lang muna sila ng mga kasama nya.

Ilang oras ko syang hinihintay magtext o tumawag sakin pero wala akong natanggap kaya umuwi na lang ako...

"Okay ka lang ba?" text ko kay Nicole

Hindi pa rin ako nakatanggap ng reply kahit magdamag akong naghintay sa kanya. Hindi ko alam kung anong problema nya pero sa sobrang pag-aalala ko ay hindi ako makatulog.

-

Tanghali na nung nagising ako kaya naman late na akong nakapasok sa school.

Hanggang nagyon ay wala pa rin akong balita galing sa kanya.

Habang naglalakad papuntang lobby ay nakasalubong ko si Anne at ang boyfriend nyang si Ralph.

"Anne nakita mo si Nicole?" pag-aalala kong tanong.

"Ay si Nicole? kasama yung mga kaibigan nya sa soccerfield." sabi ni Anne

"Ganun ba sige punta muna ako dun ah." sabi ko

"Okay kita na lang tayo mamaya." paalam ni Anne

Habang nasa klase,lumilipad yung isip ko. Bakit kaya di nya ako kinakausap?galit kaya sya sakin?Maagang natapos yung kalse ko kaya naman naisipan kong puntahan siya sa building ng Tourism.

Nakita ko syang nakikipagkwentuhan sa mga kaklase nya sa loob ng room nila. Isang oras at kalahati akong naghintay dahil balak ko siyang kausapin at hatirin sa bahay nila.

2 oras ang nakalipas saka sila dinismiss. Nung paalis na sya ng classroom ay nilapitan ko siya.

"Nicole.." sabi ko

"Oh andyan ka pala." sabi nya

"Hatirin na kita.."sabi ko

"May sundo ako eh.." sabi nya

"Ah okay galit ka ba sakin?" tanong ko

"Nope, I got to go bye." nagmamadali nyang sabi

"Okay ingat..." nalulungkot ako pero pinilit kong ngumiti

I felt that she's distant with me, or am I expecting too much? 

Matamlay akong umuwi ng bahay,parang gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang ;'(

A/N: maraming salamat sa pagbabasa... :) keep reading...

Faking It (girlxgirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon