Chapter 12: National Colleges and Universities Sports League

957 39 1
                                    

Announcer POV

Good morning Philippines!!! This is the much awaited league that everyone is talking about. This is the National Colleges & Universities Sports League!!!

Sa araw na ito magsisimula ang tapatan ng mga magagaling sa larangan ng Sports.

Kaninong bandila ang magtatagumpay sa season na ito? Kaninong kupunan ang aarangkada. Totok lang mga kaibigan dahil ihahatid ng buong pwersa ng Philippine Sports Channel ang mga kaganapan sa bawat laro dito sa NCUSP. My name is Erich Valdevieso your main respondent. When we return we will give you the hottest news in NCUSL Volleyball Men Category, so don't go away. 

Xander POV

Nasa loob na kami ng Grand Manila Sports Arena (Wag po ninyong hanapin ito sa mapa dahil gawa gawa ko lang ulit ito.). Opening ngayon ng NCUSL. Tahimik lang ang mga kateam ko na nakaupo sa tabi. Maging ang mga school mates kong kasama sa ibat ibang sports. Kanya kanyang masid sa mga kupunan na kabilang sa ibang school.

"Guys, bakit ganyan ang mga mukha nyo?" Puna ni coach Kiko. May ilan kasing mga nakabusangot ang mukha. "Can you be happy naman. Wala pa kayong laban pero parang natalo na kayo. Umayos kayo."

"Anu bang problema?" Si Nicolo. Kararating lang niya.

"Where have you been?" Hindi ko maiwasang mapataas ang boses ko. Kanina ko pa siya hinihintay.
"Traffic po kasi saka maaga pa naman ah." Sagot niya. Nakangiti pa ito habang nagsasalita. Naku paano ka naman magagalit sa kanya nito kung sa ngiti pa lang ay matutunaw ka na. Lumapit siya sa akin at bumulong.

"Ang aga-aga nakakunot na yang noo mo. Hindi bagay, babe." Pakiramdam ko ay biglang nanayo ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Ramdam ko ang kakaibang boltahe na nanalaytay sa akin. Hindi ko tuloy naiwasang yakapin siya kahit na madami pang tao sa paligid.

"Next time, pagsinabi kong susunduin kita wag ka nang tumutol pa ok. Di ako mapalagay kanina." Bulong ko sa kanya habang yakap yakap siya.

Muling nagsimulang magbulungan ang paligid. Gaya ng nakasanayan naming gawin ni Nicolo ay deadma nalang kami.

"Hey, this is not a park so enough of that." Biglang wika ni Sam sabay hila kay Nicolo palayo sa yakap ko. Oo, balik na sa pamamakod si Sam sa babe ko. Minsan gusto kong kutusan pero no choice. Si Sam lang kasi ngayon ang masasabing naiintindihan siya. Nakakausap na rin naman kami ng iba kahit papano pero may awkwardness. Pero sabi ni Nicolo hayaan nalang namin muna seryoso naman sila sa ensayo. Ang mahalaga ay pinakikitunguan kami nila ng maayos.

About sa pagitan nila ni Harvey ay tila nagkalamat na ang pagkakaibigan nila. Pero alam ko may kinalaman si Brett doon. Kahit hindi sabihin ng Nicolo may malalim siyang pinaghuhugutan.

"Andito na ang Titan." Balita ni Jim mula sa likuran ko. Nang lingunin ko ay nakatuon ang attention niya sa entrance. Agad kong sinundan ang tingin niya upang makita ang papasok na mga miembro ng Titan Knights Volleyball Men. Suot nila ang green with Silver lettering na "We Protect our Crown".

"Nevermind them, they are not worth of our time.  Lets sit down." Boses iyon ni Nicolo. Nag-iba ang aura nito. Papunta ito sa bakanteng upuan kasama si Sam.

SET: Anger & Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon