Chapter 15: Nicolo's Truth

823 48 6
                                    

Brett's POV

Narating namin ang boarding house ni Harvey. Inalalayan ko siyang makababa ng sasakyan. Wala din itong imik mula kanina. Gusto ko siyang tanungin ng nangyari pero alam kong di rin ito magsasalita.

Nang matanggap ko ang text niya kanina saying he was brought to the clinic. Agad akong sumugod sa University nila. Mabuti at nasa mall lang ako na malapit sa school nila. Balak ko kasi siyang hintayin. After kasi ng nangyari kahapon ay alam kong hindi siya magiging ok. Tama nga ang hula ko.

Awang awa ako sa hitsura niya kanina habang ginagamot ng school nurse ang dumudugong ilong nito. Agad kong tinanong ang mga kasama nito, ay tila nanlumo ako nang sabihin nilang natamaan siya ng service ni Nicolo.

Wala sa loob kong lumabas ng clinic at hinanap si Nicolo. Hindi pa man ako nakakalayo nang napansin ko siya. Lakadtakbo ko siyang nilapitan at biglang hinila pa harap sa akin. Sinubukan kong kausapin siya pero wala ding nangyari.

Kahit itanggi pa niya ay alam kong sinadya niya iyon. Sakit lang isipin na nagawa niyang saktan ang kaibigan niya dahil lang sa galit niya sa akin. Oo, alam kong ako ang nagsimula ng lahat ng ito. Pero sana ay bigyan naman niya ako ng pagkakataon na magpaliwanag. Hindi ko na siya talaga maintindihan. Saan ba nanggagaling yung galit niya?

"Kakausapin ko ang Papa ko." Pagbasag ko sa katahimikan. "Papatulong ako para makapagtransfer ka."

"Wag Na." Sagot niya. Mahina lang pero dinig ko.

"What do you mean?" Taka kong tanong.

"Ayaw ko nang magtransfer ng school."

"What? Seryoso ka?" Hindi mapigilang itanong. "Nakita mo ba ang itsura mo sa salimin? Hindi lang yan ang aabutin mo kung mananatili ka sa team na iyon."

Ngumiti lamang siya sa naging reaction ko. Minsan hindi ko din siya maintindihan.

"Tell me what's the reason?" Ako.

"Same reason kung bakit ako pumayag dati." Aniya.

Si Nicolo ang rason niya noon. Kung ganoon ay si Nicolo pa din ang rason niya ngayon? Nababaliw na talaga siya.

"Siguro nga, sa mata nyo ibang Nicolo ang nakikita nyo. Oo minsan Yun din ang nakikita ko. Ang totoo, galit lang ako sa kanya kaya nasabi ko lahat ng yun kahapon. Pero kung titignan, he's hurting right now. Kung aalis ako, wala nang makakaintindi sa kanya. Maiiwan siyang mag-isa."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Nakalimutan mo bang siya ang may gawa niyan sayo." Tinuro ko ang mukha nito. "Harvey, nilalamon na ng galit ang kaibigan natin. Hindi na siya ang dating Nicolo na nakilala natin."

"Kung siya lang sana ang pinili mo, hindi ganito ang mangyayari. Masaya sana tayong pareho." Natigilan na ako sa binitiwang salita ni Harvey. "Brett, this is your fault. Kung tinuloy mo na lang sana ang planu."

Hindi ako nakasagot pabalik. Anu ba ang sasabihin ko? Namalayan ko nalang pumasok na si Harvey sa loob ng boarding house. Naiwan akong lutang dito sa labas.

***

Nicolo POV

"Sam, the ball!" Sigaw kong malakas. Mabilis namang tumalon sa Sam at pinalo ang bola. Pumunta naman ito sa kabila ngunit mahina lang ang impact. Nakita kong nagkamot ng ulo si Sam dahil marahil sa resulta ng spike na yun.

Eksaktong tatlong araw na ang lumipas mula mangyari ang tinawag nilang "black magician incident". Hindi pa din iyon nagsisink in sa iba lalo na sa mga seniors. Tahimik lang naman si Xander dahil ayaw niyang masabihang may kinikilingan.

Hindi ako sinasama ni coach Kiko sa groupings, kaya inisip ko na lamang magsarili ng practice. Buti at dalawang court ang meron dito sa gym.

Buti at hindi nakapaglaro si Sam kaya siya ang pinagdiskitahan ko kasama si Wendel (Ispin). Yung taga serve naman ay isa sa limang reserved. Si Clint Barayoga.

SET: Anger & Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon