Chapter 13: Brett's Truth

1K 59 25
                                    

Harvey POV

Few months ago,
El Nido, Palawan

Nang masiguro ko namg malayo na ako kay Nicolo ay agad kong tinawagan ang taong kanina pa na ngungulit sa akin.

"Oh, bakit?" Sinadya kong ipahalatang inis ako. Sa dami naman kasi ng pwedeng bwisitin ay ako pa talaga.

"Wala akong kasama dito, puntahan mo ako." Hala, lasing na ba siya? Pero bakit ang ingay?

"Hoy, Brett! Nasaan ka?" Hindi ko mapigilang itanong. Nang sagutin niya ako sa tanong ko ay lakad takbo kong tinungo ang lugar.

Hindi ang tipo ni Brett ang naglalasing. Masyadong maingat siya sa katawan. Lagi niyang sinasabi na ang athlete ay kailangang malusog at malakas dahil ang katawan nila ang kanilang puhunan.

Pero sa nakikita ko ngayon, ewan ko kung maniniwala pa ako. Nakakailang bote na ba siya ng alak at halos hindi na siya makatayo sa kalasingan? Napailing ako habang nilalapitsn siya.

"Kelan ka pa natutung maglasing?" Agad kong tanong nang makalapit na ako sa kanya.

"Harvey, my friend! Tara inum pa tayo!" Alok niya sabay kuha ng isang bote na mukhang hindi pa nababawasan. Bago pa man maiangat ni Brett ang bote ay agad ko na itong pinigilan.

"Tama na yan. Lasing ka na." Saway ko sa kanya. Hindi ko talaga kayang tignan siya ng ganito.

"Harvey, para kang si Nicolo." Aniya ngunit na tigilan siya nang banggitin niya ang pangalan ng taong dahilan ng lahat ng ito. Yes, pagdating kay Nicolo humihina si Brett. Palaging nasusunod ang gusto ng nauna at ang huli ay walang kontra. Nang una ay hindi ko maintindihan pero unti unti ay naunawaan ko din ang dahilan. And it hurts.

Agad kong tinawag ang waited at binayaran ang bill ni Brett. Muli akong napatingin sa kanya. Napabuntong hininga ako. Kung ako si Nicolo, magkakaganito ka din ba? Kung ako ba siya, Brett will you also fall for me?

"Umalis na tayo rito. May laro pa tayo bukas nakuha mo pang maglasing." Mabilis ko siyang inalalayang makatayo.

Dahil hindi naman pwedeng ihatid kaagad si Brett sa hotel na tinutuluyan niya kaya sa isang mamihan ko siya dinala.

Hindi ko alam kung totoo, pero sabi kasi ay nakakatanggal daw ng lasing yung mainit na sabaw. Well hope tama sila.

"Brett, anu ba talaga ang nangyari?" Namimasmasan na ang loko. Kaya heto kami naglakad lakad sa dalampasigan.

"My Dad happened." Deretsong sagot niya.

"Wait, yung tatay mo? Akala ko ba matagal mo nang hindi nakikita ang tatay mo?" Natatandaan ko noong high school kami. Laging niyang sinasabi na gusto niyang hanapin ang tatay niya.

"You mean, nakita mo na ang tatay mo?" Tumango lang siya sa pagkakataong iyon. Lalo akong naguluhan. Anung kinalaman ng tatay niya sa pagsali sa Titan? At bakit parang hindi siya masaya?

"You met your father, edi dapat masaya ka. Bakit parang natalo yang mukha mo? Hindi ba't palagi mong sinasabi na gusto mong makita ang tatay mo? Sabi mo hahanapin mo ang tatay mo para makasama nyo na siya ng mommy mo." Gusto kong matuwa sa nangyari pero nakikita kong nahihirapan si Brett.

"Tama ka, dapat masaya ako. It was my dream. To meet my father. Yung mabuo ang pamilya namin. Pero hindi ko inaasahan to Harvey. That I have to make a choice. Kung ang pangarap ko ba at ng mommy ko o ang taong mahal ko." Doon na nagdimulang tumulo ang luha ni Brett. Maging ako ay hindi mapigilang mapaluha. May isang parte ng isip ko na nagsasabing umiiyak ako dahil sa nakikita ko siyang nahihirapan ngunit iba ang sinisigaw ng puso ko. Mas nananaig ang sakit dulot ng lantarang pag-amin niya na mahal niya si Nicolo. Pero nasa lugar ba ako para masaktan?

SET: Anger & Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon