Chapter 11: Are We in a Relationship?

998 36 4
                                    

Nicolo POV

Buong araw lang akong natulog. Pakiramdam ko kasi ay ngayon lang nagsink in lahat ng pagod ko sa katatapos lang na Asian Volleyball Men Cup (SHS club Division). Ang AVMC ay isang international volleyball league na mina-manage ng isang private sports company. Ang mga sumasali rito ay hindi per team kundi binubuo ng company na nakabase dito.

Nang matanggap ko ang invitation ay si coach Kiko lang ang sinabihan ko. Bago magpasukan ay inasikaso ko ang mga dapat kong asikasuhin upang ma excuse ako sa class. Salamat sa school President dahil pinayagan niya ako.

Kulang kulang 2 months akong nawala. Isang buwan akong nag training sa nirentahang gym ng company at isang buwan naman sa bansang pagdadausan ng game.

Iba-iba ang pinanggalingan na school ng mga binuong team. Katunayan ay iba sa kanila ay ilang beses nang nakuha upang lumaban para sa Philippine Branch.

Ang sabi ng handler namin ay matagal na daw nila akong gustong kunin. Nagkataon lang na kasabay ng major league namin ang event.

Natuwa naman ako sa kinalabasan ng game dahil tinanghal kaming Champion. Unang pagkakataon daw iyon.

Naging malaking tulong sa akin ang katatapos na cup. Sa sobrang galing ng mga kalaban doon ay nakakakuha ako ng mga idea na pwedeng magagamit sa nalalapit na NCUVL.

Natigilan ako sa naisip. Naalala ko nanaman ang nangyari. Sa kilos nila kanina mukhang di pa si maka get over. Dama ko yung awkwardness kanina.

Tinignan ko ang wall clock na nakasabit sa dingding. Alas-7 na ng gabi ayun dito. Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpasya akong sa labas na lang kumain. Dumeretso ako agad sa banyo upang mag-ayos

Hindi pa man ako nakakalabas ay agad akong naka tanggap ng text from Xander. Agad akong nagmadaling bumama. Anung ginagawa niya rito? Natanong ko ang sarili.

Agad kong nakita ang mamahaling kotse ni Xander. Nakasandal siya doon. Nang makita niya ako ay agad itong lumapit ito sa akin.

Kahit kailan Xander's way of clothing always blow not only my mind but also my heart. Pakiramdam ko ay palaging may photoshoot ito na pupuntahan.

"Hi." Bati niya.

"Hi. Anung ginagawa mo dito?" Agad kong tanong. Tanging ngiti lamang ang isinagot nito sa akin. Siniyasat ko ang nararamdaman ko. Tama, may kiliting hatid ang presensya ni Xander. Lalo atang pumugi si loko nang dahil sa ngiti niya.

"Kumain ka na ba?" Anu daw? Tinanong ko siya rapos tanong din ang isasagot niya?

"Paalis ako para kumain." Sinaway ko ang sarili ko dahil sa nararamdaman ko.

"Tamang tama, hindi pa din kasi ako kumain. Sabay na tayo." Well tinignan ko siya. Halata niyang seryoso naman ito. Nakibit balikat na lamang ako. Boring din kasing mag-isang kumain.

Agad naman niya akong giniya sa kanyang sasakya. Pinagbiksan niya ako nang pintuan. Feeling ko tuloy ay babae ako. Lihim akong napangiti.

Agad naman kaming nakarating sa malapit na mall.

"Saan mo gusto kumain?" Pagbasag niya ng katahimikan.

"Kahit saan, hindi naman ako mapili sa pagkain." Sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi na di ako mapili. I eat a lot. Luckily I don't get fat.

We end up eating in  Max's. While are eating we manage to talk of things. Sa una ay kapwa kami nakakaramdam ng awkwardness but later on ay mukhang naging comfortable na kami sa isa't isa.

Nang ihatid ng waiter ang order namin ay agad naman kaming kumain. Kapwa kami nagtatawanan ng lapitan kami ng isang grupo ng kabataan.

"Hi. Kayo sina Xander Lim at Nicoli Mickelson diba po?" May excitement sa boses ng batang lalaki sa tantya ko ay junior high school palang.

SET: Anger & Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon